Repaint

1.3K 73 20
                                    

Repaint

(Oneshot)

---------------------------------------------------------------

"Hanggang dito nalang ba tayo James?" Malungkot na sumbat niya sakin. Di siya makatingin ng deretso. Mas pinipili niyang tignan ang mga paa niya kaysa tumingin sa mga mata ko.

Ngumiti nalang ako at hinanap ang kanyang mga mata. Pero kahit anong pilit ko, hindi ko mapagtagpo ang mga paningin namin. "Gail, alam mo ang sagot diyan."

"Ano nga James? Naguguluhan na ako. Oo ba o hindi? Deretsahin mo ako." May bikig sa lalamunang tanong niya.

Napabuntunghininga nalang ako. Ano nga ba kasi talaga ang gusto ko? Pati ako naguguluhan na.

Hinili ko siya palapit sa isang bench at naupo kami duon. "Gail, alam mong alam ko na alam mo ang sagot sa tanong mo."

"Bakit?" nagumpisa ng tumulo ang mga luha niya. "Bakit James? Di mo na ba ako mahal? Kelan pa James? Kelan pa?"

Di ako nakasagot. Kung ganon lang sana kasimple yun. Kung masasagot lang sana ng simpleng oo at hindi ang lahat ng bagay.

Tumingala ako at tinignan ang kalangitan. Makulimlim. Malungkot. Kasing dilim at lungkot ng nararamdaman ko ngayon.

"Gail." nangingiting sambit ko. Pilit pinapasigla ang boses ko. "Alam mo narin kung ano at sino ang dahilan."

"Yan ang problema sayo James. Pilit mo nalang sinasabing alam ko. Palagi ka nalang nagpapakamisteryoso. Hindi ko alam James. Hindi ko alam." Sabi niya habang nagpupunas ng mga luha. "Hindi ako manghuhula. Hindi ko kayang basahin ang nasa utak mo. Ikakamatay mo ba kung ititigil mo yang pagpapakamisteryoso mo?"

Natawa ako nung narinig ko yung sinabi niya. Natawa ako sa sitwasyon namin. Natawa ako sa mga pinagsasasabi niya. Natawa ako sa sarili ko.

Tangang babae pala ang minahal ko.

"Alam mo rin ang dahilan kung bakit ako ganito Gail." Yun nalang ang naisagot ko. Natatakot ako na baka kapag dinagdagan ko pa ng kahit isang letra, hindi ko na mapipigilan ang sarili ko.

Nagtaas siya ng paningin hanggang sa bumungad sakin ang luhaang mukha niya. Di ko alam kung ano ang mararamdaman ko. Awa ba. O galit.

"Pagod na ako Gail. Pagod na pagod na ako." Di parin nabubura yung ngiti sa mga labi ko.

"I hate you." mahina niyang sabi. At nung nagtama na ang mga mata namin, nabura yung mga ngiti na pilit kong pinipinta sa mukha ko.

Kahit na lumuluha siya, kahit na malungkot ang boses niya, makikita mo sa mga mata niya ang saya. Ang ligaya. Ako lang naman talaga ang nasasaktan saming dalawa. Nakakatawa.

"Alam mong sa ating dalawa, ako lang ang may karapatang magsabi niyan Gail." Matigas kong sabi.

Napayuko siya sa sinabi ko. Nagumpisa nanamang umagos yung mga luha niya. Di niya narin napigilan ang paghikbi. Pero imbis na kaawaan ko siya mas lalo lang nadagdagan yung galit na nararamdaman ko. Nakakapagod siyang intindihin.

"Ang laki na ng pinagbago mo James..." mahina niyang sabi sa pagitan ng paghikbi. "Hindi ka naman ganyan dati eh."

Napatiimbagang ako sa sinabi niya. "Alam mo rin ang sagot ko diyan Gail."

Nakilala niya yung isnabero, gago at misteryosong James. Pero hindi yun yung totoong James eh. Panlabas ko lang yun.

Nung pinakita ko sa kanya yung totoong James. Yung James na madaldal. Yung James na makulit. Yung James na nagger. Yung James na parang aso na sunod ng sunod...

Isa lang ang sinabi niya.

"Ano nga ang sagot James? Ano?"

Yung misteryosong James daw yung minahal niya.

Tumawa ako ng mapait. "Diba ito naman yung gusto mo? Pinakita ko sayo yung totoong ako pero anong nakuha kong reaksiyon mula sayo? I showed you my true colors pero anong ginawa mo? Tapos isusumbat mo sakin ngayon to Gail? Diba ito naman yung gusto mo?"

Ni hindi niya nga ako minahal eh.

Napatahimik siya sa sinabi ko. "Sa susunod kasi Gail, when a person shows you his true color, don't try to redraw and repaint them."

Tinalikuran ko na siya. Kahit anong gawin ko hindi ko parin pala talaga kayang magalit sa kanya. Kahit pagod na pagod na ako, hindi ko parin mapigilang mahalin siya.

Pero tama na. Pinaasa ko lang naman talaga yung sarili ko sa kanya eh. Umpisa palang naman alam ko ng ganto rin lang yung mangyayari eh. Ako lang talaga tong bobo.

"James..." Pahabol niya. "Okay lang sayo to? Okay lang sayo na iwanan kita? Ganun nalang yun?"

Lumingon ako at nginitian ko siya ng huling beses. "It's okay Gail. I knew you'd leave anyway." tinalikuran ko siya at nagpatuloy maglakad papalayo. "Everyone does."

[End]

[A/N]: Sa lahat ng mga magsasabing hugot, tigang po ang lovelife ko ngayon kaya imposibleng maging hugot to. Ang tanging kalungkutan lang na nadarama ko ay tuwing binubuksan ko ang pitaka ko haha

Wanshats na pinulot sa kung saanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon