Chapter 42 The Party

45.2K 1.3K 488
                                    

"I am the worst person to love, and yet you still love me the same without conviction nor condition."


Laurent POV



Naiinis na napatingin ako sa suot kong relo at mas lalo pa akong nainis ng makita kung anong oras na. Humithit ako ng sigarilyo as I impatiently thump my right foot. Nakakatatlong sindi na ako ng sigarilyo dito sa may parking lot kung saan ako nag-decide na hintayin siya pero hanggang ngayon wala pang Blaire na bumababa mula sa kanyang condo.

As we agreed earlier, a-attend kaming dalawa sa party ng gobernador. Ayoko sanang pumunta dahil wala naman akong hilig sa mga party.

Pero ng malaman mong nandun si Isabella, bigla ka na lang umuo? Aniya ng aking isipan.

No. Pupunta ako dahil nandun si Veronica. Gusto kong malaman kung anong susunod na hakbang niya. Dahilan ko.

Hmm... palusot. Tukso pa ng konsensya ko.

"Shit!" Mahinang mura ko.

Inis na inis na nga ako sa kakahintay dito tapos nakikipagtalo pa ako sa sarili ko? Damn! Nasisiraan na yata ako ng ulo.

I heard a clicking sound. Mabilis akong napalingon. I was about to mutter some angry words towards Blaire, pero napanganga lang ako.

"Do you like it?" Tanong niya na umikot pa.

She's wearing a black party net dress and paired it with a black shiny purse. Kitang kita kung gaano siya kaputi sa suot niya at kitang kita na din pati ang kaluluwa niya. Paano naman, see through sa taas kasi net nga style nung dress niya. Yung dalawang maliit lang yata na bilog sa mga dibdib niya na tumatakip doon ang tumabing sa katawan niya. Sa beywang pababa, disente pang tingnan. At kung pati dun maaaninag ko na, pababalikin ko talaga siya para magpalit.

"You over dressed." I commented. Humithit ako sa sigarilyong hawak ko bago ko iyon itinapon sa lupa at inapakan para mamatay yung sindi.

She rolled her eyes. "Pinaghirapan kong magbihis tapos yan lang sasabihin mo sa akin?" Nakasimangot na nameywang siya.

"Speaking of," Bumalik yung inis ko sa paghihintay. "Bakit ba ang tagal tagal mo? Muntik na akong umuwi."

Napataas yung kilay niya saka tumaas yung gilid ng labi. "Ba't di mo ginawa?" Nanghahamong tanong niya.

"Let's go." Nagpatiuna na akong pumasok sa kotse ko. Sa inis ko sa kanya, di ko siya pinagbuksan ng pinto.

"Ba't ka ba nagmamadali?" Tanong niya ng makaupo na siya sa may passenger's seat.

"Hindi ako nagmamadali." Tugon ko na in-start na yung sasakyan. "Ayoko lang ng nale-late."

Natawa siya ng bahagya. "Ayaw mo nun?" Bigkas niya. "Grand entrance."

Inirapan ko siya. Iniatras ko na yung sasakyan at tsaka pinaharorot na yun paalis sa parking lot.

"Nasaan mga bodyguards mo?" Tanong niya sa akin na sa may rearview mirror nakatingin.

"Nakasunod." Maikling tugon ko habang naka-concentrate ang paningin ko sa kalsada.

"Good." Sambit niya na umayos na ng upo. "We shouldn't trust Veronica."

My turned to smirk. "Yeah, right."

Natahimik na siya. Ngunit ng napasulyap ako sa kanya, nakita kong nakatingin siya sa akin.

"What?" Takang tanong ko.

"Nothing." Tugon niya.

"Liar." Sabi ko. "I know that look on your face."

Royal Blood Series - HeartlessWhere stories live. Discover now