Chapter 35 Small World

35.3K 1.1K 191
                                    

"We have different strengths, and in a relationship, no one is better or important than the other. You are equal."



Laurent POV



"Heto na po yung titulo ng lupa, ma'am."

Sabay abot sa akin ni Damian nung long brown envelop. "Job well done. Maaasahan talaga kita." Sabi ko sa kanya. "Iwan mo muna ako."

"Sige po ma'am." Bahagya siyang yumuko bago tumalikod at lumabas na ng study room.

May antisipasyon sa mga kilos ko na buksan ang envelop at tingnan ang laman nun. Nagpakawala ako ng isang buntong hininga bago ko iyon tuluyang binuksan.

Kinuha ko ang may kalumaan ng piraso ng mahalagang papeles na iyon.

Estacio Suarez y Miranda.

Yan ang nakalagay sa pangalan ng nagmamay-ari ng titulo ng lupa na hawak ko ngayon. Wala ng iba pang kahati kundi siya lang.

Satisfied na ibinalik ko iyon sa loob ng envelop at napasandal sa upuan ko.

"Hey."

"Shit!" Malakas na mura ko ng magulat ako sa biglang pagsulpot ni Isabella sa may pintuan.

Napangiti siya ng mapansin ang pagkagulat ko. "Sorry." Sabi niya saka nag-peace sign.

"Bawal na ba ngayong kumatok?" Pigil ang pagkairita sa boses ko.

"Bawal na din ba ngayon ang mag-sorry?" Ganti niya at tuluyan na nga siyang pumasok sa loob ng kuwartong iyon. Nakabihis na pala siya ng panlakad.

Inirapan ko lang siya. Kinuha ko na yung brown envelop at inilagay sa drawer bago tumayo.

"Ready?" Tanong ko.

"Yes." Nakangiting sabi niya.

Sabay na kaming lumabas ng study room at bumaba ng hagdan. Pupunta kami sa doktor, magpapa-check up siya kung kailan siya fertile at kung capable siyang dalhin yung magiging baby namin.

"Hello to the most demanding, authoritative and gorgeous heartless bitch on earth." Bati sa akin ni Ela ng makarating kami sa clinic niya.

"Thank you for the compliment." Naka-smirk na sabi ko. "How's England?"

Nakipag-beso beso ako sa kanya. "It's nice, but I hope I enjoyed it more if not because of you."

Natawa ako ng bahagya. "You can go back after this." She just rolled her eyes.

Ela is quite a beautiful woman. Her mom is my mother's OB-Gyne when she was still alive. Ela took her place after. She had her degree in Boston. She's thirty-eight if I'm not mistaken. Happily married with two sons.

"By the way," Sabi ko saka hinawakan sa siko si Bella para ipakilala kay Ela. "This is Isabella, my wife." Mosyon ko. "And Bella, this is Ela, our family doctor and friend."

"Hi, it's so nice to meet you." May ngiti sa labing iniabot ni Isabella ang kamay kay Ela.

Masaya din namang tinanggap iyon ni Ela. "Nice to meet you too, Isabella."

"So let's proceed?" Saad ko afterwards.

Napailing sa akin si Ela. "Always so bossy." Saka nagpatiuna ng naglakad papasok sa clinic niya.

"Pasensya ka na dok kung naistorbo yung bakasyon mo dahil dito kay Laurent." Hingi ng paumanhin ni Bella at maang akong napatingin sa kanya as I mouthed what to her saka napailing iling.

Royal Blood Series - HeartlessWhere stories live. Discover now