Chapter 15 Hang Over

50.2K 1.3K 250
                                    

"I wish I could actually tell you how much I like you and you'd be okay with it."


Isabella POV

Sinusubukan kong imulat yung mga mata ko kaya lang para silang naka-glue sa sobrang dikit at bigat. Ramdam ko din yung pagsakit ng ulo ko. I forced my eyes to shut open and I succeeded. Pero para lang pumikit ulit dahil sa matinding sakit nung ulo ko.

"Aray..." Mahinang daing ko na awtomatikong napahawak sa ulo ko na pumipintig pintig. "Diyos ko po... ang sakit."

"Hang over." Narinig kong saad ni Laurent.

Sinubukan kong bumangon sa kama na nakapikit pa din at sumandal sa headboard. Nang magmulat ako ulit ng mata, naningkit ang mga iyon dahil sa liwanag ng sikat ng araw. Nakita ko si Laurent na nakatayo sa bukas na pintuan patungong veranda at nakasandal siya sa hamba paharap sa akin. May nakaipit na sigarilyo sa daliri niya.

"You must be feeling awful right now." Sabi pa niya saka nagbuga ng usok mula sa hinithit na sigarilyo.

"Parang mabibiyak yung ulo ko sa sakit." Daing ko sa kanya.

"Well," Bigkas niya at umalis sa pagkakasandal dun tsaka pinatay yung hawak na sigarilyo sa may ashtray sa lamesita sa may gilid. "It's your fault. No ones to blame. You agreed to the deal and nobody forced you to do it."

Mabagal siyang naglakad palapit sa akin. Napansin kong nakapambahay lang siya.

"Hindi ka aalis ngayon?" Tanong ko sa kanya.

Naupo siya sa gilid ng kama paharap sa akin. "No. I decided to take the day off." Saka kinuha yung baso at gamot sa bedside table na noon ko lang din napansin. "Take this, it will at least ease your agony." Ibinigay niya sa akin yung gamot at yung tubig.

"Thank you." Kinuha ko yun at mabilis na ininom.

"Are you hungry?" She asked as she took the half-filled glass from me.

Pinakiramdaman ko yung sarili ko. "Hindi naman." Tugon ko sa kanya. Mabait yata siya ngayon sa akin. "May sakit ka ba?"

Inilapag niyang muli sa bedside table yung baso saka nawe-werduhang tumingin sa akin. "Wala. Why?"

"W-wala lang." Yumuko ako para di niya makita yung ngiti ko.

"Isabella?"

Hayan, nagsungit tuloy.

"Eh kasi..." Nag-angat ako ng tingin at nakangiwing tumitig ako sa kanya. "M-mabait ka kasi sa akin ngayon."

Pero natawa lang siya ng bahagya. Yung tawang parang nanunuya. "First, you called last night a date and now you're saying I'm being kind to you." Saad niya. "Are you crazy or something?"

Napalabi tuloy ako sa kanya. Medyo bumuti na yung pakiramdam ko dahil dun sa gamot. Ang bilis ng epekto.

Parang si Laurent lang na ang tindi ng epekto sayo? Tuyan ng aking isipan.

"Oh!" She exclaimed dahilan para mapatingin ako sa kanya. "You like me, don't you?" She teased smirking.

"No!" Mabilis na sagot ko sa kanya.

Inilapit niya yung mukha niya sa akin, halos maduling na ako sa pagkakatitig sa mga mata niyang nanunukso. Napalunok ako ng bumaba yung tingin niya sa mga labi ko.

"Come on, Isabella." Bulong niya. "Admit it."

"W-wala akong dapat aminin sayo." I stuttered.

"You like me, I can see it in your eyes." She brushed her soft lips on mine at naramdaman ko yung pagpisil niya sa hita ko.

Royal Blood Series - HeartlessWhere stories live. Discover now