Chapter 6 The Guardianship

50.8K 1.7K 231
                                    

"Isn't it strange? There are so many people out there who secretly love someone. And there are so many people out there who have no idea that someone secretly loves them."

Isabella POV

"Ma'am Bella nandito na po tayo."

Basag ni kuya Albert sa pagmumuni-muni ko sa loob ng sasakyan. Pang-anim na araw na akong nakatira sa mansiyon ng mga Montefalco at pang limang araw na naming mag-asawa ni Laurent nun.

Ngayon ko lang madadalaw si itay at sina tiya Doris. Ang dami kasing kailangang ihabol sa school. Sobrang busy din ni Laurent. May araw pa ngang di siya umuwi sa bahay, nagpunta yata sa Antipolo. Di naman kasi siya nagsasabi sa akin kung saan siya pupunta. At minsan ko nga lang din siya nakatabi sa pagtulog... nung gabi lang ng kasal namin.

Bumaba na ako ng kotse at kinuha ko sa loob yung mga pinamili ko para kay itay at kina tiyang Doris. Hindi ko naman magagastos lahat nung ibinigay ni Laurent na allowance ko sa isang buwan. Sabi pa niya, bahala na daw ako kung saan ko yun gamitin. Hindi ko naman kailangan ng mga damit dahil ang dami nga niyang pinabili at panay bago lahat. Ang hirap mag-adjust.

"Tita Bella!" Patakbong lumapit sa akin si Charice ng makita akong bumaba ng kotse.

"Charice!" Tuwang tuwang sambit ko. Namiss ko silang lahat.

"Anak kumusta ka na?" Halata sa mukha ni tiya ang pag-aalala.

Ngumiti ako sa kanya. "Okay lang naman po ako tiya."

"Nabalitaan namin ang nangyare." Sabi ni tiya. "Ngani-ngani ko ng ipabitay yang tatay mo!"

"Tiya naman!" Sambit ko at inakbayan siya. "Siyanga po pala may dala ako para sa inyo." Saka iniabot ko sa kanya yung isang supot na naglalaman ng groceries.

"Sana di ka na nag-abala pa anak. Makita lang kitang maayos, okay na sa akin." Nahihiya pa siyang tinanggap iyon. "Hindi ka ba naman sinasaktan ni Laurent?"

Umiling ako. "Hindi po." Tugon ko. "M-mabait naman po siya sa akin."

"Talaga?" Di makapaniwalang sambit ni tiya. "Wala sa itsura niya ha?"

Natawa ako ng bahagya. "Si tiya talaga o." Sambit ko. "Si itay ho? Nandiyan po ba siya sa bahay?"

Magkatabi lang kasi ang bahay namin at tsaka nila tiya. Parehong gawa din sa pawid at kawayan. Mas malaki nga lang ang kina tiya.

"Oo nandiyan." Tugon ni tiya.

Nagpaalam ako saglit sa kanya para puntahan si itay at ibigay sa kanya yung dala ko. Pumasok ako sa bahay namin.

"Itay?" Tawag ko sa kanya.

Para bang mas lalo pa siyang nangayayat at naabutan ko siyang nagluluto ng pananghalian. Ngayon ko lang siya nakitang nagluto.

Lumapit ako sa kanya at nagmano. Walang kibong umupo siya sa may lamesa at naghiwa ng gulay.

"Uhm, tay may dala po akong groceries." Inilagay ko yun sa lamesa. Hindi pa rin siya kumikibo, pero at least ngayon hindi na niya ako itinataboy. "At tsaka, heto po. Panggastos mo." Saka iniabot sa kanya yung sobreng may lamang pera.

Hindi niya iyon kinuha at parang walang naririnig at nakitang nagpatuloy lang siya sa pagbabalat ng gulay.

"Uhm, tay." Naupo ako sa katapat niyang upuan. Ni minsa di ko naranasang makasabay siya sa pagkain. May kinuha ako sa bag ko na clearance. "Pwede ho ba akong magpapirma sa inyo? Clearance ko ho kasi 'to sa school."

"Hindi ka sa akin dapat nagpapapirma dahil hindi ka na nakatira pa sa akin." Malamig na sabi niya. "Sa asawa mo, sa kanya ka magpapirma."

Kahit papaano, hindi na pabalang niya ako kinakausap ngayon. "Ah... ganun po ba?" Kunwaring saad ko.

Royal Blood Series - HeartlessWhere stories live. Discover now