Chapter 11 Death Threat

46.2K 1.4K 143
                                    

"Love is an element. Like air breath and earth to stand on."


Laurent POV


"Alamin mo kung kanino galing."

Ibinigay ko kay Damian yung natanggap kong box na may lamang puso ng baboy at may note na kasama saying, next time daw puso ko na ang laman nun.

Dalawang araw na akong nakakatanggap ng death threat. Well, di naman na bago sa akin yun. Lalo na ngayon, may hawak akong rape case na ang sangkot pa ay isang former vice mayor. For sure he will do everything para matakot ako.

"Hey," Nag-aalalang bungad ni Blaire ng pumasok sa loob ng opisina ko dito sa Montefalco Telecom building. Lumapit siya sa akin saka ako niyakap ng mahigpit. "Are you okay?" Hinawakan niya ako sa magkabilang pisngi.

"I'm fine, Blaire." Tinanggal ko yung kamay niya sa pisngi ko ginagawa na naman niya akong bata.

"Ano na naman pinadala nila sayo this time?" Di pa rin maalis alis sa mukha niya ang matinding pag-aalala.

"Puso ng baboy, with a note saying, puso ko na next time ang nakalagay dun sa box." Napangiti ako ng may pagkasarkastiko. "Alam mo ba kung anong nakakatawa?" Saad ko. "I don't have a heart."

Pero di natawa si Blaire o ngumiti man lang. She looked at me blatantly.

"Take this seriously, will you?" She chided me. Sumandal siya sa lamesa ko paharap sa akin saka nag-cross arms. "Walang nakakatawa dito, Laurent."

I laughed softly. "Hey, I was just kidding." Blaire gave me a death glare. "Blaire, I'm fine. Tinatakot lang nila ako."

"Laurent, I know you will not give up your profession, pero please naman pag-isipan mo. Ayokong mapahamak ka." Saad niya.

"Isn't it challenging?" Tugon ko. "It makes the game more fun!"

"How about Isabella?" Seryoso ang mukhang sabi ni Blaire.

"And what about Isabella?" I asked nonchalantly.

"Paano kung madamay siya dito?" Malapit ng mapikon sa akin si Blaire. I can feel it. "Masasabi mo pa kaya yan?"

Mas pinili ko na lang siyang wag sagutin. I took my signing pen na may tatak na Montefalco at pinaglaruan yun ng daliri ko paikot ikot sa lamesa.

"Laurent, hindi na lang 'to tungkol sayo. You have a wife now. Nandiyan na si Isabella."

"Baka nakakalimutan mo kung bakit siya nasa puder ko ngayon at kung bakit ko siya pinakasalan?" I can feel my control's getting out of hand.

Blaire raised her both hands in the air like she's been hold up. "Fine. You're smart anyway. I'll never win."

Masama ang timplang umuwi ako ng bahay. Wala pa akong natatanggap na report mula sa PI ko kung sino nagpadala nung kahon sa opisina ko.

Napansin ko sa garahe na wala pa yung isang sasakyan na service ni Isabella. Napatingin ako sa relo ko, tapos na klase niya kanina pa. Bakit wala pa siya dito sa bahay?

"Aling Remy, si Isabella?" Tanong ko sa mayordoma ko.

"Ay di po ba nagpaalam sa inyo?" Sabi niya at napakunot noo ako. "Birthday daw nung kaibigan niya kaya male-late daw ng uwi."

Shit! Napamura ako sa loob loob ko.

"Alam niyo ba kung saan?" Kahit di pa sinasagot ni Aling Remy yung tanong ko, sinenyasan ko na si Rod na aalis kami.

Royal Blood Series - HeartlessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon