Chapter 4 Her Wife

56.8K 1.6K 330
                                    

"The first time I saw you, my heart whispered, that's the one."


Isabella POV


"You may kiss your bride."

Ang huling narinig kong sabi ni Judge Cornelio na siyang nagkasal sa amin ni Laurent. May himig panunukso pa nga ang kanyang tono.

Nakayuko lang ako most of the time. Hindi ako makapaniwala sa mga nangyayare. Ako? Ikinasal sa isang babae? Sa isang Montefalco pa? Nawiwindang ako. Nalilito. Nara-rattle yung utak ko.

Isang eksaheradang tikhim ang parang gumising sa akin. Nag-angat ako ng tingin at ang seryosong mukha ni Laurent ang sumalubong sa akin.

Well, palagi namang seryoso yung mukha niya. Sabi ko sa loob loob ko.

Teka, ano ba ulit yung gagawin? Tapos na ba?

Nakita ko ang mataray na pag-arko ng kilay ni Laurent at ang pigil na pagtawa ni Blaire at ang nakangiting si Judge Cornelio.

"A-ano bang gagawin?" Di ko napigilang itanong. Clueless akong nakatingin sa masungit niyang mukha.

"Seriously?" Di makapaniwalang sambit ni Laurent. Halata sa mukha niyang malapit na siyang mapuno sa akin.

Tumikhim si Judge Cornelio bago nagsalita. "Kiss the bride." Ulit niya na may pigil na ngiti sa labi.

"Po?" Gulat na napabaling ako kay Judge.

Ako ba? Ako ba ang hahalik kay Laurent? Hindi ko kaya!

Pero ng muli akong magbaling ng tingin kay Laurent at mapansin ko ang pamumula ng pisngi niya, hindi dahil sa pagba-blush kundi dahil sa pinipigil niyang inis sa akin, lumapit ako ng kaunti sa kanya at nilakasan ko ang loob ko. Bahala na. Usal ko bago pumikit at hinalikan siya sa pisngi.

Narinig ko ang impit na pagtawa ni Blaire na nakatayo malapit lang sa amin. Nahihiya at namumula ang mga pisngi kong yumuko at lumayo kay Laurent pagkatapos. Hindi ko kayang salubungin ang mga mata nitong napaka-intense kung tumitig.

"Kindly sign this." Sabi sa amin ni Judge at inilahad sa harapan namin ang isang kasulatan na nagba-bind sa amin ni Laurent.

Since di naman talaga legal ang same sex marriage sa Pilipinas, gumawa si Judge Cornelio ng isang kasulatan o kontrata na nagsasabing kasal kami ni Laurent at iba pang di ko na naintindihan pang mga paliwanag ni Judge.

Naunang pumirma si Laurent, pagkatapos ay ako. Nanginginig pa yung kamay ko at nanlalamig ang mga iyon habang hawak ko ang ballpen at pumirma na.

"There." Saad ni Judge. "Congratulations sa inyong dalawa, Mrs. and Mrs. Montefalco." Nakipagkamay sa amin si Judge.

"Congratulations!" Bati ni Blaire sa amin at niyakap niya kami ni Laurent na halata pa rin ang inis sa mukha.

Pagkatapos pirmahan ni Judge at maselyuhan yung kasulatan na pinirmahan namin kanina ni Laurent, ibinigay niya ang dalawang kopya kay Laurent at itinago naman niya yung isa.

Nagtungo kami sa isang mamahaling restaurant afterwards, kasama si Blaire at si Judge. Masaya silang nag-uusap habang kumakain kami at ako naman nakayuko lang at pilit itinuon sa kinakain ang atensyon.

"How about you, Isabella?" Napaangat ako bigla ng tingin kay Blaire ng nagsalita sa tapat ko. "Still in college?"  

"Opo." Sagot ko.

Natawa siya ng mahina. "Hey, di ba sabi ko sayo wag mo na akong pino-po?"

"S-sorry." Saad ko.

Royal Blood Series - HeartlessOnde histórias criam vida. Descubra agora