Chapter 10-Broken

5.9K 167 14
                                    


"Sandra! Anong ginagawa mo ba diyan sa loob?! Lumabas ka na gutom na'ko. Di naman tayo nakakain sa party." After ng pag-eemote ko ay nakaramdam ako ng gutom. Kahit sobrang dami kong nakain sa party, feeling ko gusto ko pa ring kumain. Baka dahil malungkot ako. Ang tagal niya bago buksan ang pinto.

"Karen, we'll go out to eat but let me take a quick shower and change first."

"Ano bang ginagawa mo doon sa kabila? Ang tagal mo pa lumabas kanina pa ako katok ng katok. Haay naku sige na nga later na lang. Wait ako sa sala. Bilisan mo friendship kasi nagutom ako kakaemote."

Nasaan na kaya si Lucas ngayon? Sana hindi naman niya chinuchukchak ang Ms. Espasol na 'yon.

"Oh my Gosh! Rovic! Nandito ka pala! Kailan ka dumating. . . Ay. . . Ah. . . kaya pala. . . Naku naman! Di nyo naman ako ininform edi sana hindi na ako kumatok kanina at lumabas na lang ako mag-isa. Sorry friends naistorbo ko ata kayo?" Kaya naman pala ang tagal lumabas ni Sandy ay may kamilagruhan sa loob. Ako kaya kailan ako makakaranas ng milagro? Habang pinagmamasdan ko ang ka-sweetan ng mag-jowa na ayaw umamin na mag-jowa sila, lalo akong naging decided na ipursue ang ginagawa kong pagpapapansin kay Lucas. Kung si Rovic napagtiisan amuin at ligawan ang bestfriend ko, pagtitiyagaan ko rin si Lucas. Sabi nga nila, No Guts, No Glory!

"Karen, I thought you're hungry? Come on. Let's go. Rome's tired from his trip, we need to go back right after."

"Parang busog na kasi ako. Nakakabusog ang pagkaclingy n'yo. Kainis naman bes! Ang sweet n'yo naiinggit ako. Pati suot ninyo terno pa. OP naman ata ako eh. Uwian nyo na lang kaya akong pagkain." Ang cute nila. Sana kapag naging kami na ni Lucas, suotin niya ang binili kong couple's shirt namin. Naka-sale kasi noong one time na pumunta ako sa mall. Ang ganda pa naman ng nakasulat.

On our way to Sandy's car ay nakita ko si Franz. Natural lang na hanapin ng mga mata ko si Lucas, pero wala siya. Sana naman ay hindi magtagal ang dramang ito. Love triangle at its finest.

"I was about to call you. But then hindi ko nga pala alam ang number mo." Sana huwag na umasa itong si Franz.

"Ah. Yes. By the way. This is my boyfriend Rovic Suarez. Hon, meet Franz Schwarz, he's also a family friend." Hallelujah, umamin din ang dalawa. So sila na nga. This means na ako na lang ang single at MU sa aming tatlo.

"Tara na po friends. Naghuhurumentado na ang sikmura ko." Baka magsapakan pa ang dalawang ito. Mahirap na. Ayoko rin naman masaktan ang pinsan ni Lucas. Magiging pinsan ko rin siya in the near future.

Sakay ng pulang kotse ni Sandy, nagpunta kami sa favorite naming Chinese Restaurant. We ordered the usual food na assorted dimsums, noodles, veggies, pork tenderloin with broccoli, peking duck at yangchow. Stress eating daw ito sabi ng bestfriend ko. Pero ang totoo gutom lang talaga kami. Ang dami naming nakain.

"If you're going to ask me to go to the gym again with you to burn all these carbs and calories off, sorry but no. Just use the gym at my house." May pagkamang huhula siya. Iniisip ko pa nga lang na mag-gym bukas or magpunta sa Laguna dahil schedule ni Lucas ng swimming.

I tried to convince my bestfriend na mabuting tao si Lucas. Ang kaso nakita niya kung paano ako trinato at sinigawan at si Sandy ang tipo ng tao na walang pakialam sa iba basta nasa katwiran at tama siya. Ganoon din naman ako, kaso pagdating kay Lucas, tiklop.

"Don't be too sweet naman sa harap ko, nakakainggit. Sana nandito si Lucas ko para may kayakap din ako. Nasaan na kaya siya? Baka tulog na no Sands? Sana maisip naman niya ako."

"Isn't it unfair that you're here stressing out like that while that guy you're pining could be screwing his date at this time?" Aray ko po. Para naman akong binato ng stilleto sa noo sa sinabi niya.

"Grabe talaga 'yang bunganga mo bes. Di ka man lang prumeno. Emotera na nga ako gagatungan mo pa." Halos madurog ang broccoli kakatusok ko dito. Ibinuhos ko ang frustrations sa pagkain.

"Just saying so you'd stop this nonsense and show him that you're someone to be cherished and not some trash he could just shout at whenever he wishes." May point naman siya pero feeling ko may dahilan kung bakit ganoon siya kasungit sa akin kaya dapat kong malaman iyon. Magiging susi ito sa aking tagumpay.

"Sige nga Sands, kapag sa'yo nangyari 'to. Kunyari lang ha. Yan, si Rovic may nagawa siyang kasalanan sa'yo pero mahal mo siya, hindi mo ba siya tatanggapin ulit?" Natahimik at namula si Sandy pero sumagot pa din siya.

"That's different because if we love each other then we also trust each other. I'd listen only to him because Rome will never lie to me. Right hon?"

"Yes hon. Never. I love you too much." Jeskelerd. Nakakakilig na nakakainis ang dalawang ito.

"Wow. Tindi ng tama n'yo sa isa't isa. Ibang level kayo friends! Sands!" Aasarin ko kayo dahil ayaw ninyo akong tantanan.

"Why? What?!" Pati si Rovic ay nabahala.

"Ang daming langgam! Ayan! Paakyat sa inyo! Ang tamis nyo kasi." Inirapan ko silang dalawa at pinagtawanan naman ako ni Rovic.

I am lucky dahil may mga kaibigan akong ganito, supportive kahit pinapagalitan ako. Nilibre kami ni Rovic ng dinner. Sobrang swerte ng mga kaibigan ko sa nakuha nilang mga kapareha, samantalang ang napupusuan ko naman ay mas masungit pa sa babaeng nagmemenopause.

Rovic drove us back to the hotel. Rovic asked to stay behind sa parking lot to make a call. Si Sandy naman ay biglang may pupuntahan sa Manager's office ng hotel nila. Nabasa niya kasi ang message ng manager.

"Karen, you go ahead. Do you have the key card?"

"Ok. Oo meron." Bumaba na siya from the elevator papuntang Lobby habang naghintay ako hanggang makarating sa top floor ng hotel kung saan nandoon ang Suite namin. Hanga talaga ako sa interior design ng hotel, hindi dahil Mama ko ang isa sa nagdesign dito pero dahil napaka classy and elegant ng dating. Paborito ko ang malaking etched glass door palabas ng balcony malapit sa kwarto namin. Cherry blossoms ang design nito na dream ko makita sa Japan.

Sa sobrang kakaimagine ko, hindi ko naramdaman na may papalapit sa likuran ko. Huli na nang makita ko sa reflection ng salamin ang isang babaeng nakamaskara. Wala na akong nagawa dahil mabilis ang pangyayari. Inihampas niya sa ulo ko ang hawak niyang fire extinguisher. Sa sobrang lakas ng impact ay nabitiwan niya ito at tumama sa salamin sa harapan ko. Hindi ko sigurado kung ang pagbagsak ng katawan ko patungong etched glass door o ang mabigat na bagay na iyon ang tuluyang nakabasag sa salamin at nagbigay ng kakaibang sakit sa ulo ko.

I felt my head throb painfully at nang hawakan ko ito, may dugong umaagos. Sa dami ng bubog sa paligid ko ay siguradong puro sugat ang katawan ko. Nakublihan  ko ng braso ko ang mukha ko noong umulan ng mga bubog. Before I lost consciousness ay nakita ko pa ang babaeng nakamaskara na pumasok sa fire exit. Kung sino man siya, siguradong malaki ang galit niya sa akin. Pwes, para sabihin ko sa kaniya, the feeling is mutual! 

Hinayaan ko nang kuhanin ako ng dilim. Hiniling ko lang na sana pagkatapos ng kadilimang iyon, makakita pa din ako ng liwanag. 

The Billionaire's ProtegeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon