Chapter 4-Deal or No Deal

6.5K 212 13
                                    










Who would have thought na magiging malabo na ang lahat ng dating malilinaw pa sa 20/20 vision kong mga plano nang dahil lang sa isang maliit na papel na hindi naman talaga sa akin. Kung alam ko lang, sana ay isinubo at nilunok ko na lamang ang papel na 'yon nang mapadaan sa akin.

"Didn't I specifically tell you and your classmates that I do not tolerate cheating under my watch? You're immature and selfish without any regard to authority! You will not graduate if I put this in your record so I will give you a deal." Habang nagsesermon sa akin si Lucas ko ay para akong asong nakatanghod at naglalaway sa isang buto na sobrang yummy.

Kahit mukhang inaalipusta niya ang pagkatao ko alam kong wala naman akong kasalanan kaya't hindi ko na lang pinansin ang mga sinabi niya. Pero hindi ko matatanggap na papaalisin niya ako sa klase na source ng kaligayahan ko. Paano na lang kami magkikita kung wala na ako dito?

Nakakadistract talaga ang mukha niya na hindi ako makapag focus. Sobrang bango rin niya at parang may sariling buhay ang katawan ko na kusang lumalapit para singhutin siya. Noong una ay halos dalawang metro ang layo ko sa kaniya, ngayon magkatabi na kaming dalawa at amoy na amoy ko na ang pawis niyang nahaluan ng pabango. Pati pala ang taong walang pores pinagpapawisan rin. Bakit naman siya papawisan ang lamig ng classroom at kami lang naman ang tao? Bakit din sobrang gwapo niya? Sasagutin ko pa sana ang sarili ko ng isa pang tanong pero tumaas na ang boses niya.

"Ms. Santiago! Are you even listening?!" Kung 'Will you marry me?' sana or 'I love you, Do you love me too?' e sinagot na kita agad.

"Yes of course! Always yes for you Sir! Ahm, anong deal po ba?" Akala niya hindi ako nakikinig. Buti na lamang at magaling akong magmultitasking. As much as I want na titigan lang siya maghapon ng malapitan, mukhang naiirita na siya.

"I will let this incident slide and will even give you passing marks on my class." Alam kong magandang offer at kung tatanungin akong 'Deal or No Deal' ay 'Deal' ang magiging sagot ko. Pero si Lucas Kendrick ko ay hindi basta basta magbibigay ng pabor lalo na sa akin.

"Ano po ang catch Sir?" 'Puso at kaluluwa mo' na lang sana ang isagot niya. Pero siyempre hindi.

"I want you to stay away from me and this class." Sasagot na sana ako ng 'No way Highway!' Napigilan ko ito nang mapansin ko ang matiim na tingin niya sa akin. Nakakakilabot na nakakakaba. May kung ano sa titig niya na nagpakilig ng husto sa akin. Para akong nahihipnotismo ng mga mata niya. Hindi pupuwede ito, baka mapa-oo ako sa maling bagay. Focus Karen!

"Weh? Sir 'wag naman po kayo magpatawa. At bawal po sa school na magbigay ng grave threat ang propesor sa estudyante." I gave him my sweetest smile na lalo pa ata niyang ikinainis. Ano naman kaya nakain nito sobrang sungit ngayong araw?

"This is not a threat and even if it is, it's not even grave! Stop being ridiculous and start being serious! Hindi ka na bata! Pwede ka na ngang. . ." Natigilan siya na parang narealize na hindi niya dapat iyon sinabi. Parang namula pa nga ng bahagya ang tenga niya.

"Sir, please do continue. Ano po ang pwede na sa'kin?" Kabadong kabado talaga ako sa isasagot niya. Marami namang choices.

Pwede ka na ngang ______

a. maging asawa ko;

b. maging wife ko;

c. maging ex-gf and soon to be wife ko            

d. maging fiancee ko

e. gumawa ng bata with me

f. all of the above


"Sir? Ano po?" Hindi ko man sinabi out loud ang mga choices, sana makuha niya ang tamang sagot.

"Nevermind." Tumayo siya at lumapit sa may bintana ng classroom na parang may iniisip.

"Sir? May problema po ba?" Dahan dahan akong lumapit sa likuran niya.  Hindi niya siguro napansin dahil sa lalim ng iniisip kaya sakto namang pagharap niya ay nagkabanggaan kami. Kung hindi niya ako nahawakan sa bewang ay malamang natumba na ako sa lakas ng impact. Sa posisyon namin ay para kaming nagsasayaw ng Tango. Magkadikit ang mga katawan, bahagyang nakaliyad ang likod ko na parang naka-dip at ang mga legs niya naman ay nasa magkabilang gilid ng sa akin. Pwede nga siguro akong lumusot sa ilalim niya kung iyon ang next step ng sayaw. So ano nga ba ang next step? Huwag na tayong mag-isip pa dahil isa lang ang gusto kong step, at iyon ang ginawa kong sunod.

I, Karen Santiago, kissed Lucas Kendrick passionately. Everything was in slow motion. Our kiss, the way his body meld into mine and his hands gripped my waist as he deepened the kiss. How we both moaned as we showed each other how good we are at kissing. I felt like I was in heaven!

"Ms. Santiago, would you mind standing up properly?! You're getting heavy!" Back to reality po ako. Na-imagine ko lang pala na hinalikan ko siya. Sobrang galing ko mag-imagine na akala ko talaga ay totoo.

"Thank you for saving me Sir." Namula ako sa kahihiyan. Hindi ko alam baka napaungol pa ako kanina dahil sa maling akala ko.

"Back to our discussion." Nang tumayo na ako ay binitiwan na rin niya ang pagkakahawak sa akin at saka muling tumalikod.

"Yes Sir. Go on." Last chance na Karen, kapag idrop ka niya sa klase wala kang magagawa. Hindi naman part ng MassCom ang subject na ito kaya't walang mangyayari kung ipaglalaban mo ang pag-stay dito at the expense of your graduation! Ano na lang ang sasabihin ng mga magulang at mga kapatid mo?

Ang voice over ng isip ko alam kong logical mag-isip kahit minsan gusto kong itali ng masking tape ang bibig niya para hindi makapagbigay ng payo sa akin.

"This subject is not even part of your curriculum. I want you. . ."

"I want you too." Naisagot ko pala ng malakas. Parang nagulat pa si Lucas ko at napalingon sa akin. Natutop ko ang aking bibig at sigurado din akong namumula ang buong mukha leeg at tenga ko.  Napailing na lamang siya at tumalikod muli sa'kin.

"I want you to stop coming into this class and stop pestering me. If you can't deal with what I am ordering you to do, then expect this cheating incident be the cause of you not being able to graduate this year. Excuse me." He left the room without even a backward glance.

Game over na ba Karen? I am confidently beautiful with a heart na hindi pa ito ang Game Over namin ni Lucas.

The Billionaire's ProtegeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon