Chapter 6-Plan C

5.7K 184 21
                                    




Wala pa sana akong balak gawin ang Plan C pero dahil sa pagkikita namin ni Lucas ko at sa pagkakaexpose sa akin ng perpekto niyang hubad at super yummy na upper body, hindi ako makatulog kakaisip kung kailan ko siya ulit makikita.

Gamit ang ipon ko na muntikan nang malimas, nagmember ako sa isang Exclusive Golf and Country Estate kung saan regular na nagpupunta si Lucas para mag-golf at swimming. Hindi ko rin alam bakit kailangan pang sa lugar na iyon sa Laguna pa siya magpunta pero sino ba naman ako para magkwestiyon. May karapatan ba ang mga MU o mag-isang umiibig na katulad ko na magreklamo sa mga lugar na pinupuntahan ng mga mahal nila? Wala.

May isa pang Water Polo Club membership siya sa Manila kaso ay hindi kaya ng budget ko kaya't magtitiis na lamang akong magdrive papuntang Laguna para lang makita siya. Bumili si Kuya Kristoff ng kotse noong huling uwi niya sa Pilipinas at iyon ang gagamitin ko habang wala pa siya kaya't makakapunta ako doon tuwing schedule ng Lucas ko.

I prepared for that day. Sigurado akong pupunta siya doon dahil ayon sa sources ko, every Saturday ang golf session nila ng mga pinsan at kaibigan niya. Pero bago siya mag-golf ay lumalangoy muna siya sa Lap pool ng Club. Equipped with my pamatay na two piece swimsuit at overflowing self confidence, I waited for him there. Hindi naman ako nainip kahit nauna akong dumating. Wala rin taong iba bukod sa dalawang matandang couple na nag momoment sa may sulok ng pool. Super sweet nilang dalawa. Parang nasa edad 70 na sila pero kung makalingkis sila sa isa't isa ay para silang nasa honeymoon stage pa lamang. Nang makita nila ako ay umalis na rin sila.

Swimmer na ako since Elementary. Sumasali rin ako sa mga swimming competitions noon at madalas ko makalaban si Denisse. Kaya noong naging magkakaibigan kami, regular routine namin ang magswimming. Iyon ang excercise ko. Ayaw ko kasi ng pinapawisan lalo na kapag may ibang tao. Hindi naman sa may putok ako o anghit pero ayaw ko lang talaga na pawisan. Kung sa tubig ako mag-eexcercise, walang pawis kaya to keep me fit and sexy, I swim twice or thrice a week na ngayon naging mode of income ko na rin dahil sa summer tutorial swimming classes.

I was just floating nang dumating si Lucas. Hindi pa niya siguro ako napansin kaya't hindi muna ako nagpakita. Pinagsawaan ko munang titigan ang katawan niya. Nakaramdam ako ng kakaibang pakiramdam nang mapatingin ako sa bandang ibaba. Juicecolored na mahabagin! Focus Karen! Hindi ka nandito para manggahasa. Nandito ka para mabighani mo siya ng sexy mong katawan.

Yes, confident akong sexy ako dahil sabi ng tape measure ay perfect ang 34-24-34 kong vital statistics. Take note, humihinga ako noong sinukat ko ang bewang ko kaya napaka accurate na statement ang sabihin kong sexy ako. May abs na rin naman ako at firm ang braso at long legs ko. Siguro naman ay mapapansin na niya ako kahit papaano.

Umakyat pa siya sa diving board na lalong nagpatindi ng kakaibang init na nararamdaman ko. Kung hindi ako nakababad sa malamig na tubig malamang ay nagpapaypay na ako sa sobrang init. He did a perfect dive. Halos walang splash sa sobrang smooth ng dive niya. When he emerged ay perfect butterfly stroke ang ginawa niya. I really am in love. Hindi pa ako nakakita ng ganoon kagaling na swimmer na lalaki. Well, siguro dahil puro babae lang naman ang kalaban ko dati at hindi naman talaga ako mahilig mag-sight seeing ng mga boylet. Tanging kay Lucas lang ako nagkaganito.

When he was on the other side of the pool, I made my move. Lumangoy ako papunta sa gilid at umahon. Siyempre ang pag-ahon na kagaya ng nasa sexy movies, yung may pakembot ng pwet at hawi ng buhok pag-angat ng tubig. Dumiretso ako papunta ng diving board to give him full visibility. Feeling ko namumula ang mukha ko dahil sa pagiging conscious. Hindi ko na nakita kung nakatingin ba si Lucas sa akin pero hindi naman siguro niya ako ma-iisnob dahil sa naghuhumiyaw na kulay pula kong two piece na kumagat pa ng todo sa kulay ko.

I did a perfect dive kagaya ng sa kanya but when I emerged, I did a freestyle instead of butterfly. When I reached the other end of the clear swimming pool. I saw him frozen at nakatingin lang sakin. When he finally realized na ako ang kaharap niya, he looked at me again na parang may gustong sabihin. Parang may gusto siyang sabihin pero hindi niya masabi. His face was all red pati ang tenga niya.

"Nandito ka rin pala Sir." Bati ko sa kaniya with my signature smile.

"Ahm, Ms. Santiago, your. . .ahm. . . your. . ." May tiningnan siya sa may bandang likod ko at saka nagdive pa ilalim. Hinanap ko siya pero hindi ko makita. Nang lumitaw siya ulit ay sa mismong harapan ko. Muntikan na siyang tumama sa mga dibdib ko dahil sa sobrang lapit niya sa akin ng umangat siya sa tubig. Napayuko ako sa dibdib kong . . . wala palang suot.

He smiled at me slyly at iniabot sa akin ang bikini top ko na nataggal siguro dahil sa pagdive. Nang-asar pa siya nang tumingin ulit siya sa dibdib ko bago kumindat at ngumiti ulit. Siguradong kitang kita niya ang mga ito dahil sa linaw ng tubig at sa lapit niya sa akin, bulag lang ang walang makikita. Parang nagpipigil pa siya ng tawa. Hindi ko isinuot ang iniabot niyang top, tinakpan ko na lang ng magkabilang kamay ang twin peaks kong nakadisplay pala kanina pa for his private viewing pleasure.

"Very nice view." Kung hindi lang masakit mamatay at kung kaya ko lang malunod ay nagpakalunod na lang ako dahil sa kahihiyan. Mabuti na lamang at walang ibang tao doon.

Lumangoy pa siya ng ilang laps bago muling tumingin sa akin. He smiled again at me at napailing pa. Siyempre naisuot ko na ulit ang top ko pero tuwing makikita ko siyang tumitingin sa dibdib ko ay napapangiti pa rin siya. Pinanood ko lang siyang lumangoy. Hindi ko na naisip na sabayan siya dahil nahihiya pa din ako na nakita niya ang tinatago ko. Cleavage lang at hulma ang gusto kong ipakita pero naging topless sexy star ang kinalabasan ko dahil sa pasikat moves ko. When it was time for him to leave, he looked and smiled at me again. Siguro pati ang bikini panty ko nalaglag na din gawa ng mga ngiti niya.

Mabuti na lang at may naaccomplish naman ako kahit papaano sa araw na ito. He smiled at me. Sana sa susunod na linggo ay mas matagal ang interaction naming dalawa ng Lucas ko. At sisiguraduhin kong nakabuhol at nakadikit ng glue stick ang susuotin kong swim suit.

Ngayon patas na kami. Nakita na naming topless ang isa't-isa.

The Billionaire's ProtegeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon