IV

173 8 21
                                    

"THANK YOU SA PAGPALIT MO SA AKIN SA PAGKANTA." Max said with a hint of a tease in his voice as he ushered Kael the way. Nangako kasi si Max na ililibre siya nito after ng shift niya kaya  sumama siya sa San Jose gayong gabing-gabi na at curfew na. Well, lagpas na talaga sa curfew dahil alas ocho iyon at alas onse na ng gabi. Nagpresenta na rin naman na si Max na sa bahay muna nila matulog si Kael. "May masarap na lugawan dito. Suki ako rito kapag ganitong oras na ako nakakauwi."

"Nandito na tayo!" Max declared as he entered a small-spaced eatery with a sliding door and few monoblock tables and chairs. Umupo silang dalawa sa may bandang dulo kung saan may lamesang nakadikit sa pader at bench na upuan na mayroong linoleum.

Itinaas ni Max ang kaniyang kamay at sumigaw ng, "Auntie, 'yong palagi kong order pero dalawahin mo."

"Sige, balong."

Dumusog si Kael palapit kay Max at saka siya bumulong, "Ano 'yong palagi mong order?"

Nilingon siya ni Max na may pilyong ngiting nakaguhit sa labi. "Egg caldo na maraming onion chives at bawang tapos tokwa't baboy with extra sibuyas tapos tatlong putong puti tapos isang bote ng Coke."

Tumaas ang dalawang kilay ni Kael dahil nang makita niya ang mangkok na pinaglalagyan ng egg caldo, napagtanto niyang hindi niya kakayaning ubusin iyon. Tinawanan siya ni Max sa ekspresyon nito. "Ubusin mo 'yan, ha? Kung hindi..."

"Wala ka na bang idadagdag doon, balong?"

Hindi naituloy ni Max ang sasabihin nito dahil nagsalita 'yong matandang babae na naroroon lamang sa counter. Napatingin si Kael sa nagdala ng mga pagkain nila at nagpasalamat. 

"Wala na po, Auntie."

"Sigurado ka? Minsan humihirit ka pa ng kalahating order."

"Opo." Nagkatinginan sila ni Max dahil nakatitig lamang si Kael sa kasama niya. Hindi kasi nito sukat akalain na sa katawan ni Max ay malakas pala itong kumain. Naningkit ang mga mata nito habang nagsusukatan sila ng tingin ngunit ito rin ang unang nag-iwas ng tingin sabay sabing, "Lagyan mo ng calamansi 'yang egg caldo para mas masarap."

Ngumisi si Kael at tiningnan ang malaking bowl na punong-puno ng arroz caldo na may itlog. Kumuha siya ng hiwang calamansi sa maliit na mangkok na nasa harapan nila ni Max at nilagyan niya ang kanyang pagkain.

"Nalagyan ko na po, mahal na hari." Kael mocked Max.

"Magaling, alipin."

Napanganga si Kael dahil sa rebut ni Max. Ngumisi ito sa kanya habang hawak ang kutsara malapit sa labi nito. Napatitig siya nang simulang ihipan ni Max ang mainit na sabaw. And it looked so sensual to Kael with Max's lips slightly pouted while cooling his food. Kael imagined those lips pressed against his, grazing along his neck. Kael wanted Max's hands to roam around his body, or pressed firm against his chest while he was being sandwiched by the wall and Max. Agad na nanlaki ang mga mata ni Kael at itinuon ang pansin sa pagkain niya nang mapagtanto niya kung ano ang kanyang mga naiisip.

The fuck? Was he just imagined Max being intimate with him? He gently tapped both of his cheeks and started eating his food and as soon as the porridge made contact with his tongue, he realized he haven't even cooled his food before eating it. Kinuha niya ang bote ng coke na nasa kanan niya at sumipsip mula sa straw no'n. At doon lang niya narinig na tumawa nang si Max. His one hand is on his stomach while his other hand is covering his mouth.

Inirapan ito ni Kael.

"Hinay-hinay lang kasi, hindi ka naman tatakbuhan niyan. Napaso ka pa tuloy." ani Max pagkatapos nitong tumawa. "Patingin ng dila mo."

"Gago ka ba? Bakit ko ipapakita sa 'yo dila ko?"

Pinadaan niya ang dila niya sa kanyang ngipin. His tongue felt rough!

Come To MeWhere stories live. Discover now