I

318 11 15
                                    

This book contains identity crisis and bisexuality. So if this is not your cup of tea, please leave. Thank you!

- x -

SA DAMI NG PUWEDENG KALIMUTAN NI KAEL, 'yong gitara pa niya ang kanyang nakalimutan. Hindi niya tuloy alam kung saan niya hahagilapin ang lalaking humiram ng no'n dahil nang balikan niya ang cafe ay wala na raw iyon doon. Kanina pa siya nagpa-panic dahil siguradong giye-giyerahin siya ni Elaine kapag naiwala niya iyon.

Napahilamos siya ng mukha dahil sa pinaghalong kaba at inis. Bakit nga ba niya kasi ipinahiram ang gitarang iyon? Bakit sa hindi pa niya kakilala?

"Miss, wala ka bang number no'n?" tanong niya sa babaeng nasa counter ng cafe.

"Eh, nasa cellphone ko po, sir. Nasa locker pa po, hindi kasi kami pwedeng gumamit ng phone sa shift namin," paliwanag ng babae.

Napapikit si Kael at huminga nang malalim.

"Ganito na lang, isusulat ko 'yong number ko tapos ibigay mo sa kanya kapag nagkita kayo, okay? Sabihin mo, kailangan ko 'yong gitara ko na 'yon. I am counting on you, miss." ani Kael.

"Sige po, sir."

Kumuha si Kael ng papel sa bag niya at pumilas ng piraso. Doon niya isinulat ang contact number niya at first name upang malaman ni Max kung sino siya. Itinupi niya iyon sa gitna at saka niya inabot sa babae. Nakangiti naman nitong kinuha iyon. "Iaabot ko na lang po ito sa kanya sa susunod na shift niya."

"Ano ba siya dito?"

"Part timer po, sir."

"Sige." Tumango si Kael at nagtungo sa exit ng cafe na iyon. Tiningnan niya ang oras sa kanyang relo. Late na late na siya para sa training nila. Kung pupunta pa siya roon ay siguradong papagalitan siya ng coach nila kaya mas mainam nang 'wag na siyang um-attend ng training para makapagpalusot  siya sa susunod na training.

Sinulit ni Kael ang hindi niya pagpunta ng training. Nakapunta siya sa katabing ciudad para lang mag-ikot at maghanap ng kung ano-anong gamit para sa pagpipinta. Bukod kasi sa futsal at paggigitara, hilig din niya iyon gaya ng pagkahilig ni Elaine sa pagguhit. Parehas kasi silang nag-workshop ng arts noong bata sila kaya nahiligan nila iyon.

Gabi na nang maka-uwi ng boarding house si Kael. Naroroon na ang mga boardmate niya at kumakain na ng hapunan. Mabuti na lamang ay kumain na siya sa labas at hindi na niya kailangang sumabay. Diretso siya sa kanyang higaan. Inilapag na lang niya kung saan ang bag niya bago siya himiga at tumitig sa ilalim ng higaan ng nasa itaas niya. Kumunot ang kanyang noo at napailing siya dahil sa Playboy at FHM magazine na nakapailalim sa kutson nito. Bakal lang kasi na parang hawla ang hitsura ng ilalim ng kama nila kaya kita ni Kael kung ano ang naroroon.

"Huy, bro, sama ka bang bayan? Fiesta ngayon, eh, may artistang guest saka tara na ring perya," pag-aaya ng roommate niyang si Rico, 'yong nag-iisa niyang ka-room na may hikaw sa bandang itaas ng tainga, at iyong nasa itaas niya. "Ngayon lang makakapaggala at sa mga susunod na buwan, siguradong hectic na dahil sa dami ng requirements."

"Sige lang. Kagagaling ko lang din sa galaan."

"Hindi ka um-attend ng training niyo, 'no? Hala ka sa coach niyo." ani Quin, isa ring varsity ngunit sa larong basketball. "Mula sa gym, rinig na rinig ko boses ng coach niyo. Sabing gano'n, 'kung kailan malapit na ang nationals, saka pa magiging tamad 'yang si Rodriguez.' Joke lang, pre." Tumawa ito nang bigyan niya ito ng isang matalim na titig.

"Sige, bro, balik na lang kami bago mag-curfew."

Tango na lamang ang tangi niyang naisagot. Hindi na niya pinanood na lumabas ang mga ito. Ang tangi na lamang niyang narinig ay ang pagsara ng pinto. May kung anong ligaya siyang naramdaman nang mag-isa na lang siya sa cuarto. May pagka-social man siyang tao, minsan mas gusto niyang mag-isa lalo na ngayong hindi niya nakuha ang gitara niya.

Come To MeWhere stories live. Discover now