III

202 9 26
                                    

"SEE? Performing in front of a crowd isn't that bad." Max whispered to Kael when he finished singing. The hairs on his nape prickled at sudden tickle and warmth from Max's breath on his ear. "Tapos ang ganda pa ng boses mo. You lied to me."

"Hindi ako nagsinungaling sa 'yo. Totoo naman na hindi ako kumakanta," aniya.

"Sus!" Max laughed. "Hindi mo ako maloloko."

It was Kael's time to laugh. "Hindi talaga. Kung kumakanta ako, sana confident ako ngayon dito."

Napadako ang tingin ni Kael kay Camille na pumapalakpak pa rin habang sumisigaw ng, "Duet! Duet na 'yan. Go, Max. Go, Kael." Hanggang sa pati ang iba na ring nasa loob ng cafe ay sumisigaw na rin na mag-duet silang dalawa. Nagkatinginan sila na may parehas na may kwestiyon na nakaguhit sa kanilang mga mata.

"Duet!" maging si Elaine ay sumigaw na habang nangingiti. Napakagat ng labi si Kael dahil muling tumibok nang malakas ang kanyang puso.

"Kaya mo ba, Kael?"

Nanlaki ang mga mata ni Kael, natataranta, "Wala akong alam na kanta." Lalong kinabahan si Kael nang kuhanin ni Max ang gitara at nagsimulang tumugtog sa gitara. Kumunot ang kanyang noo sa pamilyar na tono. "Magbalik?"

"Oo, sino ba naman ang hindi ito alam? Saka sikat ka kapag alam mo plucking nito," tumawa ito habang nakatingin sa pwesto ng mga daliri nito. "Kabisado mo ba?"

"Hindi gaano," wika niya dahil totoo namang hindi niya 'yong kabisado talaga.

"Okay, sabayan mo na lang ako pag alam mo 'yong part." And then he started singing. He could solemnly swear that all of his hairs from his nape to the end of his fingertip prickle in the coldness of Max's voice.

"Hindi magbabago ang pagmamahal sa 'yo. Sana'y pakinggan mo ang awit ng pusong ito." Sinabayan niya si Max sa pagkanta at dahil doon ay sumigaw muli ang mga taong nanonood sa kanila. He didn't know what to do, though. Si Max kasi ang nag-adjust para mag-harmonize ang kanilang boses.

"Oh my god, Kael! Ang gwapo ng boses mo. Sana naging boses ka na lang!" Umalingawngaw sa buong cafe ang boses ni Camille kaya nagtawanan ang mga taong nandoon maging sila ni Max ay hindi naitago ang ngiti sa kanilang boses. "Oh my god! Teka lang. Teka lang talaga! Shet! Oh my god."

Inilayo ni Kael ang bibig niya sa mic dahil hindi na niya napigilan ang kanyang tawa. And Max was still smiling, Kael could see that he was so amused with his friend for he was constantly looking at her, staring at her in the process. Nang tapos na siyang tumawa ay inilapit niya ulit ang kanyang mukha sa mic at muling sinabayan si Max, ngunit sa pagkakataong iyon ay si Max naman ang tumigil.

"Tulad ng mundong hindi tumitigil sa pag-ikot, pag-ibig 'di magbabago. Tulad ng ilog na hindi tumitigil sa pag-agos, pag-ibig 'di matatapos." Pumikit si Kael upang damhin ang kanta, at dahil nakatagilid ang kanyang ulo, nakapikit na mata ni Max ang una niyang nakita. Sinasabayan siya nito sa pagkanta ng huling chorus. "Pag-ibig 'di matatapos."

The audience applauded when they were finished with the song. Max and Kael smiled at each other.

"Sa 'yo na lang muna ulit ang gitara ko, sa susunod ko na lang kukuhanin." ani Kael sa kasagsagan ng malalakas na palakpakan. Kumunot ang noo ni Max habang pinupulot ang bag ng gitara na nasa tabi nito, at marahang ipinasok doon ang gitara niya. "Sige na, please?"

At walang nagawang iba si Max kundi ang pumayag. Ngumiti si Kael, "Thanks."

"Ang galing niyong dalawa. Crush ko na kayo!" Muli na namang nangibabaw ang boses ni Camille at muli na namang tumawa si Max.

"Magkakilala pala kayo ni Camille, ano?" tanong ni Kael kay Max nang tumayo siya mula sa high stool na naroroon.

"Oo, if I didn't know her I would find her weird." Umiling si Max habang lumalapit sila sa upuan nila Camille. Max waved at Elaine and Camille in which the both reciprocated. Pero si Camille ay napakagat ng labi, halatang pinipigal sumigaw. Alam na alam ni Kael na kinikilig ito dahil sino ba naman kasi ang hindi tatablan ng ngiti ni Max? "What's up, ladies?"

Come To MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon