"Okay bago tayo pumasok sa arena.... Gusto ko lahat magdedesign. Ayoko ng harutan,4th year na tayo at alam kong matured na tayo okay?" tumango lang silang lahat at nakakatawa talaga ang mga itsura nila. Kawawa naman. 

Pumasok na kami sa Arena ng school at nakita namin na may mga nagdedesign na. May naglalagay na ng snow sa iba't ibang pwesto ng arena. At nakita ko rin na tinatayo na ang skating rink sa gilid ng arena para dun sa mgaestudyanteng mahilig mag-ice skating. Shaks! Ang ganda! 

Nilapag muna namin ang mga bag namin sa arena at lumabas ng school para bumili ng mga materials. Uwian na naman kasi talaga ngayon,eh sakasongalang kailangan namin magdesign so baka mamaya pa kami makauwi. 

Ang plano kasi naming idesign ay mga trees na white na may glitters na silver at lalagyan namin ng christmas balls na silver na may glitters din. Baka 6 na malalaking puno ang gagawin namin para dito kaya bumili kami ng mga gamit. Parang mga karpintero ang mga boys sa mga pinaggagawa nila sa mga puno. Kami kasi yung maglalagay ng mga glitters sa puno. Actually cardboards lang naman gawa yung puno kaya nahirapan ang mga boys sa pagugupit dahil gagawin nga nilang puno diba? 

Nakita ko si Suzzane na tinitignan si David na maglagay ng snows sa iba't ibang parte ng arena. Lumapit naman ako agad kay Suzzane at tinapik siya. Wala pa naman kaming ginagawa kasi hinihintay namin matapos ang mga boys sa pagugupit. 

"Oh Suzzane! Tulala ka diyan?" sabi ko at nagulat naman siya. 

"Ah wala wala." sabi niya. Sus palusot pa. 

"Sus! Nakita kita! Kanina ka pa nakatingin kay David!" sabi ko sa kanya with matching hampas pa. 

"Aray ko naman! Dun nga tayo!" umakyat kami at umupo sa Upper Box ng Arena ng school. 

Nandun lang kami ni Suzzane at bigla naman siyang nagsalita agad. 

"Madge,babalikan ko pa ba siya?" tanong niya. Tinignan ko lang siya ng awkward.

"Tanga ka ba?! Sinaktan ka na babalikan mo pa?! Naku kung may sweldo lang ang pagpapaka-tanga,siguro mayaman ka na" sabi ko. Hindi naman nila naririnig ang mga pinagsasabi ko sa baba dahil ang dami ng taong nagdedesign at nandito kami ni Suzzane sa Upper box eh. 

"Grabe naman. Oo tanga na pero di naman kasi niya sinasadya na saktan ako eh. At nakita ko naman na nagiimprove na siya." sabi niya. Ha?! Ano ba Suzzane =_______= 

"Eh ikaw na nga nagsabi sakin na madali siyang naniniwala sa iba at baka maulit pa. Diba sinabi mo sakin yun nung matapos kayong magbreak? Suzzane naman. Naku! Wag mo ng balikan yan!" 

"Ah.. eh.." 

"Ih Oh Uh? Alam mo Suzzane wag ka ng magpakatanga sa kanya. Oo mahal mo siya pero hindi naman palagi puso ang sinusunod! Sundin mo naman yung bituka,atay,intestines at yung brain mo!" sabi ko at bumaba na ko dahil nakita ko na naglalagay na yung ibang babae ng glitters sa puno na nagawa nung mga boys. 

Hayy ano ba itong si Suzzane! Nagpapaka-tanga! Ayoko ng ganito! Ang dami kong nababasang ganito sa Wattpad! Ang tatanga nung mga babae! Bwisit na bwibwisit ako kay Suzzane dahil hanggang ngayon tumitingin parin siya kay David kahit nagdedesign na siya ng puno. 

Suzzane's P.O.V. 

Shucks! Nalilito na ko! Hindi ko na alam ang gagawin ko! May point si Madge sa sinabi niya. Nagpapakatanga naman kasi talaga ako! Bwisit ka David! Ang lakas ng gayuma mo! 

Sa wakas ay last na puno na ang dedesign-an namin,bukas daw  ay lalagyan na namin ito ng christmas balls. Nagplano rin si Madge na lalagyan namin ng blue carpet ang hagdan paakyat sa Arena. Dahil snow nga daw ang theme ngayon. Last year daw kasi "Christmas Gifts" ang theme at red,green and white daw ang kulay ng mga props. May malaki daw santa sa gitna ng arena. Siguro mas maganda nga talaga ngayon. Dahil blue,white,silver ang colors ang ginagamit para sa props. 

My Jeje PrincessWhere stories live. Discover now