ACROPOLIS

1.1K 51 27
                                    

C h a p t e r  39

Minsan ko nang narinig na tumatalikod lang ang isang tao dahil hindi sapat ang kanyang katapangan upang harapin ang bagay-bagay.  Ang sabi ng ilan, umaalis lang ang isang tao dahil may gusto siyang takasan. Kailangang maintindihan ng ilan, na hindi lahat ng taong umaalis ay may gustong takasan, hindi lahat ng tumatalikod ay hindi matapang.

Tahimik akong lumakad papunta sa bintana, sandali kong hinawi ang kurtina at tumanaw sa labas. Mula sa aking dikeksyon, nakita ko ang pagsakay ng aking ama't ina sa kanilang sasakyan. Ilang sandali lang, humayo na ang lulan ng mga ito. Siniguro kong nakababa na sila bago ako bumangon, dahil kanina ngang nagpapanggap akong tulog ay naramdaman ko ang pagpasok ni Mommy. Well, that's her thing, to check me out.

Tumaas ang dalawang gilid ng aking labi at muling isinara ang kurtina. Tinanaw ko ang orasan, alas otso na. Alas nuebe ang napag-usapan namin nina Sari, siguro nama'y hindi magtataka si Manang Leonides sa maliit na pagitan ng oras. Pumasok na ako sa banyo't nilinis ang sarili, habang nakapikit ay inalala ko ang ginawa kahapon.

Sa kagustuhang kong makalayas nang hindi natutunugan, sa kagustuhan kong umalis sa paraang hindi madadamay si Manang o ang kahit sinong iiwan ko rito sa bahay ay binura ko ang numero nina Mommy at Daddy mula sa cellphone ni Manang Leonides. Iyon lang ang naisip kong paraan para sa akin ibunton nina Mommy ang galit. I'm sure that my alibi will work on Manang, and only for the whole day. When my parents came home, they will surely find out that I'm gone.

Soon after they came home, my parents will realize that I'm not in my room and I lied to Manang Leonides. I'll be the biggest liar, and they'd realized that I removed their contacts on Manang's phone for a purpose. Mom and Dad will realize that it wasn't anyone's fault but mine. But even before they came to that point, I'm gone. That's my greatest stunt.

Lumabas ako mula sa banyo at nagbihis na, simpleng sleeveless top at fades jeans lang ang suot ko. Nasa loob lang naman kami ng sasakyan, bababa lang kami kung maabutan kami ng tanghalian sa daan. Sigurado akong dalawang oras ang magiging byahe bago pa kami makarating doon. Ngunit kung sobrang bigat ng traffic, baka umabot ng tatlo o kaya ay mahigit pa. Holiday season kaya hindi na nakakapagtaka.

Hindi ko masyadong inayos ang sarili, itinali ko ang basang buhok at agad na kinuha ang bag mula sa ilalim ng kama. Nang maisukbit iyon sa balikat ay agad akong lumabas mula sa aking kwarto. Habang pababa ng hagdan ay nakuha ko pang magdasal bago gumawa ng kalokohan. May the Lord guide us on our trip, and may our Father understand why His child needs to go. I'm sorry, Father.

Tumungo ako sa sala, hind ako nabigo nang makita ang mga kaibigan. Parehas pa silang may dalang bag upang hindi kami mahalata, kaharap nila si Manang at mukhang masaya pa ang kanilang kwentuhan. Nang dumating ako ay natigil sila, mabiis namang bumaling sa akin si Manang.

"Hurricane, may swimming daw kayo?" Wika nito, ngumiti naman ako at tumango. I'm the biggest liar the world can imagine right now. Bumaba ang tingin niya sa aking bag at muli pa akong tinanaw. Hindi halatang maraming karga dahil maninipis ang tela ng mga damit na idinala ko. "Nagpaalam ka ba kina Aeryn? Hindi ko kasi sila matawagan,"

"Nagpaalam po ako kanina, Manang. Alam nilang may lakad ako ngayon kasama sila," Itinuro ko pa sina Sari't Aleana na parehas na tumango. "Bago sila bumaba kanina ay bumisita si Mommy sa kwarto ko, ginising ako dahil oras na raw para gumayak. They know I'll be off to somewhere today," Lord, I'm a disappointment.

Ngumiti si Manang at tumango. "Buti naman at pinayagan ka nilang lumabas, tinanong ko si Sari kung kasama ba ang batang Laurette, buti naman at hindi. Magagalit lang si Atlas," Napatingin ako kay Sari, at lumunok. Sandali akong sumenyas nang patago sa kanila para hindi na humaba ang usapan.

Forever Agape [FS#1]On viuen les histories. Descobreix ara