LURKING DESIRE

1.3K 60 4
                                    

C h a p t e r   17

I've always read about this line that I didn't know I'll think about now, "Kapag namulat ka, kasalanan mo nang pumikit." Alam ko na ang katotohanan, traydor ang puso ngunit hindi sinungaling. Ngunit takot ako sa kung saan ako kayang idala ng kagustuhan na ito.

Bumagsak ang tingin ko sa magkahawak naming kamay, unti unti kong kinalas ang akin upang mahiwalay sa kanya. Sa gilid ng aking mata ay nakita ang pagtingin niya sa akin ngunit hindi ko iyon pinabulaanan hanggang sa tuluyan ko nang maikalas ang mga daliri.

"Ang aga nating nagising, gusto ko munang matulog..." Bulong ko, tipid itong ngumiti at tumango. I adjusted the car's seat, marahan kong inihiga ang katawan at niyakap ang sarili.

This may lead to something, eagerness or obsession, I don't know. I'm afraid to find out so, to dodge the truth, I am willing to close my eyes. I've seen it already, I finally gaze onto something truer than true, my heart won't deny but Hell is my clearest view. Now, it's time to close my eyes, to pretend that I've never seen that.

Wala pang ilang minuto ay maagap kong naramdaman ang pagpatong ng isang tela sa aking tiyan. Nang imulat ko ang mata ay nakita kong tinakpan ni Hell ang parte na iyon. I'm wearing the tanktop I wore when we came here, hininaan pa nito ang aircon at saka ibinalik ang tingin sa daan.

Katahimikan ang lumukob sa amin, hindi na rin ito nagtanong o nagbukas pa ng bagong usapan. Pinilit ko ang sarili na makatulog at sa kabutihang palad ay nagawa ko naman. I only opened my eyes when he woke me up, the sight of him immediately greeted me.

"Are we home already?" I asked, he shook his head as a response. Bumangon ako at umayos naman ito ng upo, roon ko lang napagtanto na medyo malapit pala siya kanina.

"Gusto mo munang kumain?" Tanong nito, tinanaw ko ang labas at nakita ang isang restaurant.

I know we're already in Manila, we can just wait a few more minutes to get home but I think we're both tired to cook. Siya, pagod sa pag-dadrive. Ako, pagod sa pag-iisip.

"Sure," Maigsi kong sabi at tinanggal na ang seatbelt. Inayos ko ang buhok at sinuklay iyon gamit ang daliri. I looked at the mirror, baka mamaya ay ang dugyot ko na namang tignan.

Parehas kaming bumaba, ang sinag ng araw ay kaagad na tumama sa aking mukha kaya naman tinakpan ko iyon. Mabilis ang aking paglalakad hanggang sa hinintay ko na lang si Hell sa maindoor, he walked towards me and opened the door of the resto. I went in first and he came after me.

We sat in a two-seater table, a waiter went to us and gave the menu. Roasted beef steak ang in-order ko, Hell oredered the same. Nang umalis ang waiter ay lumukob na naman ang katakot-takot na katahimikan sa pagitan naming dalawa.

"You didn't bring your phone with you?" That broke down the silence, I looked at him as I simply nodded. I purposely didn't bring that, dahil kahit dalhin ko ay hindi ko rin naman magagamit.

"Why? Mom called you?" Pag-uuna ko, nang makita ko ang kanyang pagtango ay tipid na lang akong ngumiti. "She became a regular caller, pagpasensyahan mo na..."

"She just wants to check you out," Napataas ang aking kilay sa bigla nitong pagtatanggol. "Update her sometimes, okay?"

"Check out who? Me? I highly doubt that."

Matagal na nagtama ang mga mata namin, hindi ko iniwas ang tingin. I am finding the slightest difference but maybe we're both thinking of the same thing. We both know what she's up to.

"Aren't you grateful because someone's checking you out?" Umayos ako ng upo at tipid na ngumiti sa kanya, that's one hella sermon before the meal.

Forever Agape [FS#1]Where stories live. Discover now