"Ryan, nilinaw ko na sayo ang bagay na 'yan di ba?" sagot ko sa kanya habang kinakandado ang locker ko.

"Alam mo namang di ako titigil sa panliligaw at panunuyo sayo Gab. Sana bigyan mo ako nang chance."

"Ayokong magpaasa nang tao Rye. Hindi madali ang umasa."

"Gusto ko parin umasa Gab, na isang araw bibigyan mo rin ako nang chance na makapasok diyan sa puso mo."

"Magtrabaho na nga tayo. May mga customers na." Yaya ko sa kanya sabay tungo sa podium para salubungin ang mga bagong customer na pumapasok.

Ayokong isipin ang panliligaw ni Ryan kahit na Alam Kong mabait siyang tao at matino. Hindi ko kasi alam Kong paano magmahal nang isang lalaki sa buhay ko.

Oo inaamin ko, hindi ako nakaranas
ng isang seryosong relasyon. Nagka M.U ako noong 4th year highschool ako pero di naman 'yon seryoso kaya paano ko makakayang pumasok sa isang relasyon kung alam Kong hindi ko kayang panindigan ang isang relasyon habang hindi pa bio ang pagkatao ko.

Naging busy na ang lugar sa dami nang tao dahil Friday night. Puno na nang tawanan ang lugar habang lumalalim ang gabi.

First class ang bar and resto na ito ni Mr. Chen. Maganda at maaliwalas ang lugar. Moderno ang desinyo ng loob ng resto at maraming parokyano si Mr. chen na kadalasan ay mga businessman na mayayaman na dumadayo sa lugar para mag unwind. May mga mayayamang matrona din na kadalasan ay kasama ang mga D.I nila para magrelax pagkatapos ng dance lessons.

"Gab, additional wine sa cubicle 8. 'Yong paborito ni Mrs. Ford." Rinig kong sabi ni Troy sa bluetooth device na suot ko. Anim ang nakaassign sa pagtake nang orders na pinapasa sa amin para sa serving at isa si Troy sa anim na yon.

Isa si Mrs. Ford sa mga biyudang parokyano ni Mr. Chen.

Inorder ko sa bar yong wine ni Mrs. Ford saka sinerve sa cubicle 8. Bagong D.I ang kasama niyang umiinom habang halos nakakandong na siya dito. Bata pa at gaya nang ibang nakasama niya rito ay gwapo at sakto ang tindig.

"Here's your wine Mam." Sabi ko sabay lapag nang bote nang wine sa mesang nasa harap nila.

Abot tenga ang ngiti ni Mrs. Ford sa akin habang kindat naman ang itinugon nang kasama niya habang nakangisi.

Umalis na ako nang cubicle nila at dumiretso sa bar.

"Kumusta bunso?!" Bating tanong ni Max sa akin, ang brusko't gwapong bartender namin.

"Hi Maxie! Umaapaw ang alak sa buong lugar. Nakakahilo!" Sabi ko sa kanya habang inilapag ang silver tray sa bar counter.

Ngumiti lang si Max sabay abot sa akin nang margarita.

"Pwede bang tumanggi?"

"Hindi pwede. Wala si Girlie Tigre kaya inom na!" Natawa nalang ako sa bansag ni Max kay Miss Girlie.

"Sige sabi mo eh." Sabay inom KO sa inumin na binigay niya.

Ang sarap sa lalamunan nang inumin na 'yon. Nung una lahat nang inaalok sa akin na alak at tinatanggihan ko pero nung lumaon natuto na rin akong uminom pero light drinks lang.

Sa tagal ko dito naging parang kuya ko na si Max. Siya ang unang tao na tumulong sa akin nung lumuwas ako nang Maynila.

Kung hindi dahil sa kanya siguro palaboy na ako ngayon nung maholdap ako sa unang araw ko dito. Natangay lahat nang gamit ko't perang naipon nang holdaper na iyon.

"Maxie kitchen muna ako." Paalam ko kay Maxie sabay ngiti at alis sa kinauupuan ko. Tango lang ang naging tugon ni Max sa akin na busy parin sa pagsasalin ng inumin sa mga wine glass na nasa harap niya.

Messing With Miss OrdinaryWhere stories live. Discover now