Chapter 53: CAMPING IS OVER

1.5K 46 1
                                    

Xenon's Point Of View

Habang palapit kami ng palapit sa lugar kung nasaan si Snow, mas lalo akong kinakabahan, mas malakas pa ang tibok ng puso ko kesa sa wang-wang ng mga sasakyan dito, nang tumigil ang sinasakyan namin, hindi na kami nagpatumpik-tumpik pa at bumaba na kagad kami sa sasakyan

"Where's my daughter?" ayan agad ang tanong na lumabas sa bibig ni Pareng Mark, may mga pumasok ng pulis sa abandonadong building, sasama sana kami nila Pareng Mark papasok, pero bigla kaming pinigilan ng mga letseng parak

"Padaanin nyo kami! Tang*na! Tumabi ka nga" inis na turan ko at pinipilit tanggalin ang kamay ng mga hinayupak na parak na pumipigil sa braso ko, nagwawala na rin si Pareng Mark at kahit si Bryan na timping-timpi ay nakasuntok na rin ng mga parak

"Pasensya na po kayo, sir masyado pong delikado, marami pong bombang nakapalibot sa buong gusali" sa sobrang inis ko siniko ko ang baba ng matabang parak na kanina pa ko pinipigilan

"Pusanggala! Iyon na nga e, delikado! may mga bata doon! Naiintindihan nyo ba? Sa oras na may nangyari sa mga bata, kayo ang pasasabugin ko! Mga mangmang!" sinamaan ko ng tingin ang matabang parak na humawak na naman sa braso ko

"Hands off!" huling banta ni Pareng Mark

"Sir, kumalma po muna kayo, ginagawa na po namin ang lahat, kasalukuyan na pong dinidefuse ng mga police ang mga bomba" nakawala si Pareng Mark sa pagkakahawak ng mga parak at biglang sinuntok 'yung parak na kanina pa nagsasalita

"Kalma?! Are you stupid?!" susuntukin na naman sana ni Pareng Mark nang nakarinig kami ng sigaw

"DADDY MARK TULONG! DADDY XENON! DADDY BRYAN! DADDY CHARLES, DADDY KEN, DADDY PAXTON, DADDY SHAWNN! MGA DADDY!" shit, shit, shit, hindi na alam kung anong nangyari basta namalayan ko na lang na tumatakbo na kami papasok sa loob ng gusali, aakyat na sana kami nang makarinig kami ng malakas na pagsabog

"No, No, No, fuck, shit SNOWWW!" wtf? Srysly? Fuck this freaking tears!

Fiona's Point Of View

Sinagad ko na ang speed ng kotse, malapit na kami nang bigla kaming nakarinig ng malakas na pagsabog, itinigil ko ang kotse at dali-daling bumaba

"Snow! Snow!" sigaw ko, nagkakagulo ang mga tao, maraming umiiyak na sa palagay ko ay mga magulang ng mga bata na nakidnap rin ng letseng Kochè na iyon, may natanaw akong lalaking nagwawala na pinapakalma ng mga police

"Sir Keds..." lumapit kagad ako sa kanya

"Bitawan nyo sya" wika ko sa mga police na nakahawak sa mga braso ni Sir Keds

"Ako na ang bahala" dugtong na wika ko kahit nagcracrack na ang boses ko

"Shhh Keds" napaupo na sya sahig sa sobrang pagkaiyak, unti-unti namang may pumapatak ng luha sa mga mata ko, gosh bakit ako umiiyak? E buhay pa naman si Snow, buhay pa sya.

"I'm late, I failed to save her, my angel" lumuhod ako para maging kapantay nya saka ko sya niyakap, hindi ko alam kung anong sasabihin ko dahil hindi ako makapaniwala sa mga nangyayari, fuck totoo ba ang lahat ng 'to or its just a nightmare? napatingin ako sa mga magulang na umiiyak

"Ang anak ko..."

"Miguel, honey si Miguel"

"Cindy anak! Cindyyyy!" may isang lalaking papasok sa loob ng building pero pinigilan sya ng mga police

"Where's the heck is my son? He's not dead! Crimson!" I feel like ngayon lang ako umiyak ng ganito, hindi na ko makahinga ng ayos

"Commander smile naman dyan! Life is too short! Smile while you have a teeth" she said while smiling widely at me

Snow White and Her Seven DaddiesМесто, где живут истории. Откройте их для себя