Chapter 9: SCHOOL-KID

2K 56 7
                                    

》》》Bryan's Point Of View

Ang aga-aga may nakakairita kaming tunog na narinig. Kinuha ko 'yung unan saka itinaklob ko sa tenga, anak ng tinapa! Saan ba galing 'yung ingay na yun?

"Mga daddies wake up na!" napapikit ako ng mariin kelan pa kami nagkaroon ng alarm clock na ganun ang ringtone?

Muling tumunog yung nakakarinding ingay, mas diniin ko ang mga unan sa tenga ko

Bigla naman akong nakarinig ng malakas na kalabog, kaya napaupo kagad ako

"Sh*t! Sh*t!" napatingin naman ako sa sahig kung saan nakahiga si Ken at halos hindi maipinta ang pagmumukha, anong naman nangyayare sa gagong to?

"Bro tulong naman dyan" ano ba kasing ginagawa ng isang to dito sa sahig? E nasa taas sya natulog

"Ano ba kasing ginagawa mo dyan sa sahig?" hinila ko 'yung kamay nya

"Aray ko! Damn! Ang pwet ko bro! Ang sakit! Nahulog kasi ako sa kama" sabi nya habang hawak hawak nya ang pang-upo nya

"Katangahan ang tawag dyan bro" sambit ko sa kanya

"Nagulat kasi ako doon sa tu--"

Napatigil sya ng pagsasakita nang tumunog na naman yung malakampanang tunog

"Ano bang ingay yon? Nakakagago naman oh-oh! Ang aga aga nambwibwiset kapag ito si Charles makakatikim talaga sakin ang isang yon" padabog akong tumayo saka binuksan 'yung pinto

"Put*ng***! Ang ingay ingay--" napatingin naman ako sa batang nakangiti sa harapan ko

"Gooooood Morning daddy Bryan, ang aga-aga nagmumura ka na po kagad tsk tsk tsk magbabayad po kayo sakin mamaya ng 100 pesos ha, si daddy Ken po? Gising na rin po ba?" kumurap muna ako sandali saka, napabalik sa kwarto, tumakbo ako sa dereksyon ni Ken hinawakan ko ang magkabila nyang braso, saka ito niyugyug

"Sh*t bro, may bata sa labas!" kumunot naman ang noo nya saka binato ako ng unan

"Baka si Snow" sabi nya saka tumayo na rin at binuksan 'yung pinto, ow sh*t oo nga pala

"Good Morning daddy Ken, anyare kay Daddy Bryan?" tanong ni Snow saka sumilip ng kaonti sa pinto

"Morning, nanaginip lang, atsaka bakit ka may hawak ng kawali atsaka turner?" rinig kong tanong ni Ken

"Ginigising ko lang po kayo! Halerrr 11 am na po, atsaka daddy Ken nagugutom na po ako" pumunta muna ako sa cr saka naghilamos, napailing na lang ako, totoo pa lang may bata na dito, the fvck may bata dito?! Pagkalabas ko ng kwarto naabutan kong gising na ang lahat at halos hindi maipinta ang mga mukha

"Oh anong nangyari sa inyo mga dude? Mukha kayong namatayan" sabi ko sa kanila, kinuha ko 'yung remote saka binuhay 'yung tv

"Sino ba namang hindi matutuwa kung makakarinig ka ng nakakarinding tunog sa umaga!" sambit ni Shawn

"Alas-singko na nga tayo pinatulog ni Ken tapos mangigising 'yung bubwit?" sambit naman ni Paxton

"Tapos nasingilan pa ko ng tatlong daan mga dude, mamumulubi talaga ako sa batang yan" sabi naman ni Charles

"Asan si Pareng Mark?" tanong ko sa kanila

"Umalis kaninang 8:00 si Daddy Mark, puputa daw po sya sa opisina nya" sabi naman ni Snow na kalalabas lang galing kusina

"Oh mga daddy unat-unatin naman ang mga noo! Kay aga aga magkasalubong na kagad ang mga kilay nyo" napatigin naman sya sa pinapanood ko

"Kyaaaaa si Tom Cruise ba yan? Oh my gosh! Ang boyfriend koooo!" sigaw sigaw nya at biglang kumalong sakin at nakinood rin ng tv, sandali naman kaming napatahimik at nakatingin lang sa kanya

Snow White and Her Seven DaddiesWhere stories live. Discover now