Chapter 19: WORTH FIGHTING FOR

1.7K 46 1
                                    

(Paalala: Ang mga sumusunod na eksenang inyong mababasa ay may taglay na kakornihan ni Ken. Hwag nyong seseryosohin at gagayahin haha.)

Ken's Point Of View

          Ako si Kenneth Lim, gwapo, mabango, matangkad, maraming abssss mas marami pa sa bilbil ni Paxton at totoo kung magmahal. ang huli kong naalala ako ay may simpleng pamumuhay, nagluluto ng masarap na pagkain at may tunay na pagmamahal kay Mich Collins. At ngayon eto ako, pumipigil sa dalawang ugok, alam kong buhay ko ang nakataya sa dalawang ugok na to, pero sana naman bago magwakas ang aking makulay na buhay ay makapagtapat man lang ako ng aking pag-ibig kay Mich Collins the love of my life. Marami pa kong plano, magpapakasal pa kami, magkakaroon ng mga anaksss, magkakaapo, at sabay pa kaming tatanda, pero mukhang kahit isa sa mga plano ko ay hindi matutupad dahil dito na ata magwawakas ang aking napakakulay at napakagandang buhay. Paalam na Mich, sana makahanap ka ng taong katulad ko na magbibigay ng labis na pagmamahal sa iyo. Paalam Snow sana mahanap mo na ang iyong tunay na ama, Paalam pareng Mark, Paxton, Xenon, at sayo Charles kahit gago ka, kahit mas gwapo ako sayo at kahit marami akong absss at kahit non-living things ka pa, aaminin ko naging parte ka rin ng aking napakulay na buhay kaya paalam. Commander, paalam na rin sayo, ikaw na ang bahala sa kanilang anim, hanapin mo ang tunay na ama ni Snow . At para naman sa dalawang ugok, hindi ako mamaalam sa inyo dahil kayong dalawa ang una kong mumultuhin. Ipipikit ko na sana ang aking mata nang biglang may sumuntok sakin

"P*ta Aray! Sinong walanghiya ang sumuntok sa aking mala-anghel na mukha?" nilibot ko ang tingin sa buong kwarto ni Shawn, at kasalukuyang masama ang tingin sakin ni Pareng Mark

"Anong sabi mo Ken?" ngumiti ako kay Pareng Mark

"Ano sabi ko ano-- napakawalang hiya ni Charles, oo tama si Charles na non-living things walanghiya at napakagago" nakarinig ako ng mahinang pagtawa, si Xenon lang pala =_= dumating na pala ang ugok na to, akalain mo nga naman hindi ko man lang namalayan, sa bagay hindi naman sya kapansin-pansin

"Para kang tanga Ken, may papikit-pikit ka pang nalalaman hahaha" napatingin naman ako kay Bryan at Shawn na nakaupo lang sa magkabilang tabi ng kama.

"Oh, kamusta na kayo? May war pa rin ba?" bigla naman nila akong sinamaan ng tingin kaya napataas kagad ako ng kamay

"Para nagtatanong lang, galit agad! Lanya kayo mga dude! Akala ko mamatay na ko ng maaga sa suntukan nyo kanina" binato nila ako ng unan

"Akala ko hindi ko na mapapakasalan si Mich" mahinang sambit ko, napatingin naman sakin si Pareng Mark, putspa! Kapatid nya nga pala ang aking love of my life.

"May sinasabi ka Ken?" ngumiti lang ako kay Pareng Mark

"Bakit wala pa ba kaming basbas sayo, bayaw?" sinamaan nya ako bigla ng tingin

"Engaged na si Mich" nanlaglag naman ang panga ko

Engaged na si Mich

Engaged na si Mich

ENGAGED NA SI MICH?!

Four words na ikanasira ng mundo ko

"Move on ka na dude, wala ng pag-asa ikakasal na pala 'yung tao" sambit ni Xenon, sinamaan ko sya ng tingin, p*ta Mich bakit ang daya? Bakit ikaw nakahanap na kagad ng iba, samantalang ako lugmok na lugmok pa rin at umaasa na isang araw na magkakabalikan pa tayong dalawa?  Bigla namang akong tinapik ni Mark sa braso

"Hindi pa sya kasal, Ken" sabi nya sakin at lumabas na, at ngayon ko lang napagtanto na ako na lang pala mag-isa dito sa kwarto ni Shawn

"KEN, HWAG KANG MAGWAWALA SA KWARTO KO!" narinig kong sigaw ni Shawn, gago talaga, napahiga naman ako sa kama

Snow White and Her Seven DaddiesWhere stories live. Discover now