Chapter 29: Who Will Be My Date?

Start from the beginning
                                    

"Sinabi sa amin yan ni Ki kaya handa kaming tulungan ka Selene. Lalo na ako." wika ni Duri sabay tingin nito sa direksiyon ko.

Nakikita ko sa mukha niya ang sensiridad.

"Excuse me." singit ni Jun sabay thumbs up kay Duri at umalis na.

Ano ito? The heck?! 

Biglang hinawakan ni Duri ang kamay ko.

"It was been 4 months Ms. Martin. At sana tanggapin mo ako bilang partner mo sa Christmas ball."








"Talaga? Sinabi iyon ni Duri sa'yo?"

"Oo. Hindi ko nga alam eh, gusto niya kaya ako?" nag-aalinlangan kong wika.

Biglang napatayo si Gyeong at Shin.

"Gusto ka ni Duri!" sabay nilang sigaw.

Napapikit na lang ako dahil sa lakas ng boses nila at buti na lang walang tao rito sa room dahil nasa cafeteria ang lahat. Lunch.

"Hinaan niyo nga yang mga boses niyo at baka may makarinig." naiinis kong wika.

"Eh ano naman? Gwapo naman si Duri eh." usad ni Shin.

Biglang tumawa si Gyeong.

"Si Duri? Gwapo? Hahahaha. Sige, gwapo nga siya mayabang naman. Tsk."

Napalingo na lamang ako. Si Gyeong talaga ang lakas ng galit kay Duri.

"Selene!"

Napalingon kami kay Matthew na nakahawak sa pinto habang hinihingal.

"Anong nangyari sa'yo? Bakit ka hinihingal?" bungad ni Shin sabay lapit kay Matthew.

Itinuro ako ni Matthew.

"S-Si Tan. Nasa clinic!"

Bigla akong napatayo.

"Anong nangyari?" sabay naming sigaw nila Gyeong at Shin.

"Nahulog kasi siya–

Nahulog?

"Saan siya nahulog?!" nag-aalala kong tanong.

Hinawakan niya ako sa kamay.

"Mamaya na lang. Puntahan na natin siya."

Nagpadala na lang ako sa kanya kasabay nila Gyeong at Shin.

Tumambad sa amin ang clinic na may mga rosas na nakadikit sa mga gilid nito. Wow ah. May paroses na ang clinic.

"Ang ganda ng mga roses." namamanghang sambit ni Shin.

"Bakit may mga rosas rito eh hindi naman Valentines Day ah?" segunda naman ni Gyeong na nagtataka.

Mukhang may nararamdaman akong kakaiba dito ah. Hinawakan ko na ang doorknob at itinulak ito.

"Tan?"

Nakahawak si Tan ng isang kulay red rose.

"Hi my labs! Hihi." nakangiting wika ni Tan.

Lumingon ako kay Matthew. Nagpeace sign ito. Tama nga ako dahil may kakaiba nga talaga. Tsk.

"Nahulog daw kasi siya sa'yo." mapang-asar pa nitong hirit.

MOMENTUM (Book I of Momentum Series)Where stories live. Discover now