Crust/Earth BQO 49: Nightingale

Start from the beginning
                                    

Naghanda na kami papunta doon, bumili ng mga pagkain at iba pang kakailanganin. Habang naglalakad kami ay nahihirapan na kami sa paglalakad dahil sa kapal ng nyebe na abot hanggang tuhod na namin. Malakas na din ang Snow Storm kaya hirap din sa pagtukoy ng lugar. Gumagamit na kami ng skill para hindi kami masyadong mahirapan.

"SHIT ! NASAAN NA YON?!" pasigaw kong tanong kay Crim, halos hindi na rin kasi kami magkarinigan dahil sa inggay ng Snow Storm.

May naramdaman akong may humawak sa kamay ko.

"HAHAWAKAN KO KAMAY MO, PARA HINDI TAYO MAGHIWALAY NG PUPUNTAHAN!" rinig kong sigaw nya.

Sumagot na lang akong sige ng pasigaw. Nauuna syang naglalakad habang nakaharang ang isang braso nito malapit sa mukha para hindi malagyan ng Snow. Ganun din ako, at parang nakakabakla mang tignan na magkahawak kami ng kamay eh hindi na namin iyon inintindi dahil may problema kaming hinaharap. Pero hindi nagtagal ang problema namin at nahanap na namin ang kweba kaya madali kaming pumasok doon at nagbitiw ng kamay. Nilibot namin ang paningin namin sa kweba.

[Unknown Cave]

Anong klaseng pangalan ng isang kweba? Wala ba talaga itong pangalan?.

"Dark, tara" nakatalikod na sambit ni Crim, naglakad sya papasok kaya sinundan ko ito.

Kita na halos ang repleksyon namin sa yelo, kaya nagpose pa ako ng pogi at nagpakahot kahit na ang lamig dito.

"Stop that" sambit ni Crim.

Tinignan ko ito at nginisian.

"Sus, nababakla ka na nyan sakin eh"asar ko dito, ang sarap kasi nitong asarin parang sina Lucifer- err Lucyfier haha baka kasi magalit yon sakin.

"Geez, you're creeping me out" sabi nito at inirapan ako. Hala! Lumambot na nga sya sa kagwapuhan ko. Joke haha ganyan talaga yan. Masungit na snobber pa.

Mga ungol ang narinig namin habang naglalakad, palakas ito ng palakas habang dumidiretso kami ng lakad. Mukhang may mobs dito.

May naaninag naman kaming mga ilaw, pero hindi puti kundi pula ang mga ito, mga nanlilisik na mga pulang mga mata at mabilis na patungo sa kinaroroonan namin. Hinanda ko ang Demonic Shadow Sword at Hell Fire Sword ko sa laban. At hinanda na rin ni Crimson ang kanyang Divine Cursed Dual Handgun nito. Tinutukan nya ito at nagsimulang bumaril, ako naman ay sumugod at hiniwa ang mga malalapit sa akin.

---

Fluffy mini Yeti
Lvl 105
Category: Common
Type: Ice

---

Tumalon ako sabay paikot at slash sa mga Fluffy mini yeti. Tinarak ko ang Hell Fire Sword ko sa nagyeyelong lupa at nagsimulang umapoy ang lugar, kasabay non ang pagsunog sa mga katawan ng mga fluffy mini yetis. Fire of Hell ang ginamit kong skill. Ang apoy na yon ay mahahalintulad mo sa Hell Fire ni Couz H, pero ang kaibahan ng Fire of Hell ay kung sino mang nakatapak sa lupa ay masusunog, ang Hell Fire ay buong Area ito na parang AOE na.

"Tusta" komento ni Crimson. Tumingin ako sa kanya at ngumiti ng napakalaki.

"Tsk. Wag lalaki ang ulo, oo magaling ang ginawa mo" mas lalo pang lumaki ang ngiti ko sa puri nya. Napabuntong hininga na lamang ito at umiling iling.

"Tara na" maikling saad nito at iniwan ako, kaya sinundan ko na ito sa paglalakad at binalik ang seryosong mukha ko. Battle face ako ngayon dahil mukhang matatagalan ta mahihirapan kami sa lugar na ito.

Napahinto kami sa paglalakad ng may nakita kaming dalawang Path way, pero hindi namin alam kung saan kami pupunta. Delekado kasi kung agad kaming maglalakad kahit saan man sa dalawang daan na ito.

"Do you heard that?" tanong ni Crimson sa akin habang nakikinig ito sa kaliwang daanan.

Lumapit ako doon at pinakinggan mabuti.

Ungol. Mga ungol ang naririnig ko. Pinuntahan ko naman ang kanang daanan, pinakinggan ko din ito ng mabuti pero napaka tahimik nito . Mukhang safe naman.

"Dito tayo sa kanan Crim, tahimik dito at mukhang safe"sabi ko sa kanya pero tinignan lamang ako nito

"Don't you get it?" Tanong nito ng seryoso.

"Ang alin?"takang tanong ko, napakunot naman ito ng noo.

"The Right Path is so quiet and that makes me think" sabi nito.

"Then the Left Path bothers me so much because its too loud, pero mas delekado ang Tahimik na lugar , malay mo matrap tayo doon or we will face a very strong mobs there. So, I don't think there is no danger there, I think it's better if we choose the other one, the Left Path" dag dag nito.

Tama sya , nakakapagtaka kung bakit napaka tahimik ng kanang daanan. At kapag tahimik ay may delikadong pwedeng mangyari sa amin.

"Pero sabi nila bawal ang MANGALIWA"

Napapoker face naman si Crimson sa joke ko.

"Hehe joke lang to naman d na nasanay, okay lang naman MANGALIWA kahit papano"natatawa kong sabi.

Napacross arms na lang si Crim at pailing iling sabay sabing.

"You never changed"

_____________________

Demon's Tale Online [Philippine Server] {HIATUS} Where stories live. Discover now