Prologue

3.6K 96 14
                                    

Flashback

It's been a long time since I've entered a classroom. Since my parents decided to home study me for unexplainable reasons. Ganito pala yung pakiramdam pag may nakikita kang tao na kasama mo mag aral. Tatlong taon din and now, wow.

I silently walked through our classroom door. Madaming upuan, halos ay nandito na.

"Grade 11-1 STEM."

Pumasok agad ako at umupo sa isang bakanteng upuan malapit sa bintana. In that window you can see the trees around the campus. Even the students walking.

The class should be starting at 9 am but since I really want to be early I got to school around 7:50 am. I should start practicing this kind of routine since hindi na ako sa bahay nag aaral at pumapasok na ako ngayon sa school.

While thinking so deep hindi ko namalayan na may katabi na pala ako.

I look at them closely and they seem close to each other naman. Like they're just eating snacks which I didn't know na allowed pala dito sa school.

After spacing out for a long time the bell rang. Hindi ko na din namalayan na andito na pala ang professor namin. Base on what I'm seeing right now, maganda ang pangangatawan, ang linis ng pagsasalita at higit sa lahat gwapo.

"Nako, ako na nagsasabi sayo hindi maganda ang titig mo ha." the girl beside me said. Nakatingin lang sa akin ito na para bang may nagawa akong mali o parang mali ba na tignan ko ang professor namin sa harap.

"Itigil mo yan ate girl! Maganda ka, gwapo ang hanap mo diba? Gwapo din hanap niyan." Sabay nguya ng huling chichirya na kinakain nya. Natawa naman ang katabi nito.

"Huh? Excuse me?" I said. Sobrang halata ko ba sa mga titig ko? And what? Gwapo din ang hanap?

"Di kayo talo niyan, lalake din gusto niyan." Bulong nito sakin. "Kristella nga pala. Ikaw?' She asked.

" Kali Connie, KC or Kali nalang and hindi ko naman tipo si Sir." I said then tumingin ulit ako sa harapan ko. Nakakahiya halata pala ang naiisip ko.

"Sus Kali napaghahalataan ha? Wala naman akong sinabi na tipo mo si Sir!" sabi nito sabay tawa. Tinignan ko naman ang tao sa tabi niya ngumiti naman ito ng nakakaloko na para bang nakakatawa talaga. Ganon ba talaga ako kahalata?!

"Hello I'm KC." I said to the man at the back.

"I know. Narinig ko." Malamig niyang sabi. Hala ang sungit.

"Pasensya ka na dito ha? Alam mo naman first day talagang nakakabadtrip. Jericho, bestfriend ko." Pakilala niya dito. While looking at him, he seems so familiar.

I look again to our teacher and look at Jericho again. Now I see! Magkamukha ito. Magkamukha na magkamukha.

Magtatay ba sila?!

"No." Simpleng sagot ni Jericho habang kumakain. Natawa naman si Kristella at tumingin sakin.

"Pang ilan kana Kali ha!' Patuloy padin ang pagtawa nito.

"Ha?" I suddenly ask. Halata ba na 'yun ang iniisip ko?

" He is not my dad. The man in front? Nope. He is my older brother." He chuckled.

"Hoy! Hindi ha! Na ano.. nadala lang siguro ako nong pinanuod ni mama. Alam mo naman yung imagination mo lumalawak tapos kung ano ano na iniisip mo ganon.." Pagtatanggol ko sa sarili ko, at tuluyan na siyang tumawa.

Magsasalita pa sana ako ng bigla ko na lang narinig ang malakas na hampas sa lamesa sa harapan. Sa sobrang ingay ng tawa ni Kristella ay nakatingin na samin ang professor namin.

Seducing My Girly Gay Teacher! (EDITING)Where stories live. Discover now