1

2.2K 73 0
                                    

"Umagang kay lutang Kali?" I look to the person in front of me right now who is now busy looking at me as well. I was thinking about a lot of things. Mga bagay na hindi madadaan agad sa mabilisan sagutan at paraan. Bakit pinili ko ba ang course na 'to? Bakit ba kita gusto?

"Umagang umaga nambwiset ka?" sabay taray dito. "Wala ano stress lang. Grabe pala 'tong pinasok kong kurso. Patagal ng patagal, pahirap ng paghirap gagi." well technically ayun naman talaga ang iniisip ko bukod sa kaniya.

Hindi ko alam bakit ganito. Bakit kasi patagal ng patagal parang hindi na paghanga tong nararamdaman ko, parang hindi nalang gusto gusto.

Sa sobrang tagal namin dito library e matatapos ko na 'tong sinusulat ko pati na rin 'yung sinusulat niya.

"You know girl may kulang sayo." sabi niya sakin while pointing his ballpen into my face. I look at him with a question in my face. May kulang?

"Ano nanaman sinasabi mo dyan Migo?" I asked.

"Sis! Ilang taon na tayo magkakilala ha. Kelangan mo na siguro ng beauty rest. Tignan mo 'yang mata mo, ang eyebags sis! Nakakaloka. Dinaig mo pa ako. Ikaw ba nagtuturo dito at halos pagkamalan ka na may 10 anak?" Then he laughed.

Kinuha ko agad ang salamin ko sa bag at tinignan ko ang sarili ko. Shit, ang laki na nga ng eyebags ko!

"Hoy! Hindi ka nakakatawa ha leche 'to!" Irita kong sabi. Grabe ganito ba talaga ang stress na dinudulot sakin ng school? Siguro its time to quit at maging full time asawa nalang ni Migo.. tutal baka mas magaling pa ako sa magiging future neto.

"Uso kasi mag ayos diba? Like make up girl. Bet mo ba? Shopping tayo. Wala na din ako balm and stuff you know." sabay kindat niya. This is why I like him so much! The bare minimum.

Charot! Anong bare minimun e niyaya ka lang naman mag shopping kasi dugyutin ka na.

"Ay ang taray mo ha? May lesson plan ka uy! Isipin mo magshopping tayo ngayon tapos may gagawin ka pa bukas, pero sige tara hihi." tuloy tuloy na pag bubunganga ko at pagpayag din. Ganito kami everytime. May shopping time, pero once a week lang dahil sobrang busy nya dahil ang dami niya ginagawa at syempre nagaaral din siya.

"Girl kung papipiliin ako kung lesson plan o ikaw, sempre ikaw! Importante ka kaya sakin." Sabi ni migo

Importante ka kaya sakin.

Importante ka kaya sakin.

Importante ka kaya sakin.

Dapat hindi ko nilalagyan ng mga meaning yung ganitong klaseng mga salita ni Migo pero ano magagawa ko? Gustong gusto ko yung tao. Sa sobrang gusto ko nakakalimutan ko na hindi kami pwede sa isat isa.

"I-uhm.. Okay. Sige shopping tayo." I smiled. Inayos na niya ang mga gamit niya. Then we proceed to the parking lot.

Importante ka kaya sakin.

Pagdating namin sa mall ay diretso na agad kami sa isang kilalang beauty store. I pick what I need to look fresh and neat like lipstick, lip balm and some eye liner. Habang tumitingin ako ng lipstick. I saw this rosey lip balm and lippy.

"Nako ma'am! great choice po kayo. Alam niyo po ba na nag iisa na lang po yan dahil mabili po talaga. May lipstick ka na may lipgloss ka pa." sabi sakin ni ate. Convincing me to buy this lippy. Its kinda pricey, pero sige larga na.

"Ano girl? May nabili ka ba?" tanong sakin ni Migo na ngayon ay may dalang basket puno ng make up. ghad bakit mas babae ka pa sakin...

" Ah oo, Itong lipstick tas eye liner lang. Meron pa naman akong powder sa bahay. Ano tara na bayaran na natin?" pagyaya ko sa kanya sa counter. Mamaya kung ano na naman makita niya at bilihin na naman niya.

Ito kasing bakla na 'to di marunong magtipid. Porket Professor/Anak pa ng may ari ng school.

Habang naglalakad kami ay pasimple kong tinitignan si Migo. Paano kaya pag nagkaroon siya ng kasintahan, at worst pa din ay lalake? paano na ako. Paano na ang love story namin dalawa? pano—-

" Ano nanaman iniisip mo ang lalim na naman? Bakla ka ng taon." sabi sakin ni Migo. Di ko namalayan asa labas na pala kami. I look at him. Paano kaya kung one day dumating yung tao na 'yun.

" Ah, wala wala. Iniisip ko lang sis. Bakit wala ka pang jowa ngayon?" tanong ko sa kanya. Wag mo kong sagutin ng meron please..

"Ha? Uhm.. meron? Bakit?"

Meron.

After a long week nandito na din si Kristella sa bahay namin para mag sleepover. I literally waited for this just to ask her a lot of random question.

Importante ka kaya sakin.

Importante ka kaya sakin.

"Sabihin mo nga sa akin. Hindi ba ako deserving? Like ayaw ba ni Lord na magkaroon ako ng happy ending? Ayaw niya na magkaroon ako ng icing sa ibabaw ng cupcake ko?!"

"Oo. tanga ka e. Ilang beses na ba kita pinagsabihan na itigil mo na yan dahil ikutin man natin ang mundo bakla at bakla yan." sermon sakin ni Kristella na ngayon kausap si Jericho sa messenger.

"Huh? Umiikot naman talaga tayo sa mundo?" sabat ni Jericho sa pangsesermon niya.

"Bobo ka? Earth ang umiikot hindi tayo. Wag ka sumabat. Di ka kausap ha." Sagot naman ni Kristella.

Bigla naman akong natawa sa biglang away ng dalawa. Hindi ko ba alam sa dalawa na 'to. Minsan ang sweet sweet sa isa't isa, minsan hindi.

"Pero alam mo Kali. Di pa naman kasal si kuya sa boyfriend niya. tsaka ano ba anong silbi ng ganda mo kung di mo gagamitin, right Kristella?" sabi ni Jericho.

Anong silbi ng ganda ko? Bakit anong meron sa ganda ko? Maganda ba ako? Tanginga aanhin ko to kung hindi niya nga gusto yung magaganda!

"Gago! may utak na din tong ungok na to! Bakit ngayon ka lang nagsalita!" sabi ni Kristella at pumalakak pa.

" Bakit di mo nga gamitin yang ganda mo Kali?" sabi sakin ni Tella.

Ano bang meron at panay ayan ang sinasabi nila?

"Ha? Anong meron ba at puro kayo gamitin yung ganda ko ha?" sabi ko sa kanila. Sobrang gulo nila kausap hindi ko maintindihan. Puro ganda ganda. Tangina hindi nga ako maganda mga hayop.

" Bakit hindi mo gamitin 'yang ganda mo para landin si Migo! Girl wag tanga ha? Wake up. Lalake pa din si Migo. Sa ganda mo? Bakit hindi magkakagusto yon? Eh ito si Jericho crush ka dati e, Pati mga blockmates natin ngayon gusto ka." pagpapaliwanag ni Tella. Tinignan ko naman ang sarili ko sa salamin.

Ako? Maganda? Malalandi yung taong gusto ko na halos parang babae pa sa akin kung makaasta?

"How?" tanong ko sa kanilang dalawa na ngayon ay tumatango tango na parang mga baliw.

"Seduce my brother Kali." Sabi sa akin ni Jericho.

"I will what? Seduce your brother? Your fucking gay brother? MY FUCKING GAY TEACHER HUH?"

_______________

All Right Reserved 2019.

Seducing My Girly Gay Teacher! (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon