Chapter 27: Busted!

152 4 0
                                    

Matapos kong dalhan ng pagkain si Kate sa room ni Kuya ay sunod ko namang dinalhan ng pagkain si Yuan.

Nilapag ko 'yung tinapay sa side table. Tinapay nalang din pinili naming kainin para hindi na matrabaho.

Humiga ako sa kama habang siya kumakain sa gilid ng kama "Tingin mo? Mahuhuli kaya tayo?" Tanong niya habang kumakain.

"Like what Kate said, walang sikretong hindi nabubunyag. Anytime--no maybe soon, they will find it out. Oy, siguraduhin mong hindi tayo lalanggamin dito" sagot ko naman habang nakatingin sa kisame.

"Okay, okay" uminom na siya ng tubig.

"About that upcoming 2 days tour. Kakaiba ang pakiramdam ko once that day come" seryosong sabi niya kaya kinabahan ako. Nakaramdam ako na magiging mag-isa ako sa araw na 'yon "Now that you said it .. parang bigla akong kinabahan"

Hindi ko alam ang reason pero gustong umiyak ng mga mata ko pero pinigilan ko.

Tinignan ko siya. Hinawakan ko ang kamay niya "Yuan, h'wag mo akong iiwan ha? Ayaw ko ng umiyak ... sawa na akong masaktan. Natatakot na ako, pero mas natatakot ako kung mawawala ka sa tabi ko. So please, 'wag na 'wag kang aalis sa tabi ko" hindi ko na napigilan ang luha na pumatak sa unan.

Hinawakan niya ang kamay ko na may hawak sa kanang kamay niya "H'wag kang mag-alala. Hindi darating ang araw na masasaktan at iiyak ka ulit dahil iniwan ka ng taong mahal mo. Walang dahilan para iwan kita ... at kung mayroon man ... isa lang ang rason para balikan kita, 'yun ay dahil mahal na mahal kita"

Lumapit siya sa'kin at hinalikan ako sa noo. "Remember, walang makakapaghiwalay sa'tin na kahit ano"

Tumango ako dahil alam kong totoo ang mga sinasabi niya. Ramdam ko nanaman ang init ng mga kamay niya "At kung sakali mang magkahiwalay tayo, hahanap ako ng paraan para magkasama tayong muli" nakangiting sabi niya na seryosong seryoso siya sa mga salitang binibitawan niya.

"Ganun rin ako" nakangiting sagot ko sa kanya.

"Matulog na tayo ng maunahan natin sa paggising si Kate" ngumiti siya kaya tumango ako.

Hindi nagtagal tumabi rin siya sa'kin at natulog kami na magkahawak ang kamay namin.

Bago ko tuluyang pinikit ang mga mata ko ay sinilip ko sandali si Yuan. Mahal na mahal kita ...

At pinikit ko na ang mata ko para matulog.

***

"Ate Michi!!!!" Kaagad kaming napabangon dahil sa pagtawag ni Kate, nagkatinginan kami ni Yuan "Pumunta ka sa ilalim ng kama, dali" bulong ko.

Saktong bumukas ang pinto pagkahulog ni Yuan sa lapag at nakapagtago naman siya. "O-oh? M-maaga ka na, Kate?"

"A-anong maaga? Late na kamo .. 7:15 na, 15 minutes magi-start na ang class!"

Kaagad naman akong napatingin sa kinuha kong phone sa side table pero nagkakamali siya hindi 7:15 dahil 7:16 na!

Naramdaman ko na parang nauntog si Yuan sa kama. "M-mauna ka na na pumasok. Susubukan kong magmadali" sabi ko sabay tayo at kunin ang mga isusuot ko.

"Sasabay ako sa'yo. Wala naman akong first subject so it's going to be okay. Take your time, wait kita sa sala" at lumabas siya kaagad sa kwarto ko.

Kinuha ko na 'yung towel ko at papasok na sana sa banyo nang lumabas na si Yuan sa lungga niya. "T-teka? Paano ako?" halos gusto ng maiyak na tanong  habang nakaturo sa sarili niya.

My Prince From The CenturyWhere stories live. Discover now