Chapter 25: Problem Solve

160 7 0
                                    


Yuan's Pov

Weeks passed, hindi namin madatnan si Mattew sa room. Until now hindi namin siya makausap. Nag-aalala ako dahil kaibigan ko siya and ganun din si Michi.

Nandito kami sa library at naghahanap ng mga libro na pwedeng makatulong sa'min. Pero kung titignan mo si Michi at papakiramdaman ... halatang pinoproblema niya si Mattew.

Nagulat kami nang umupo si Ingrid sa tabi ni Michi "S-si Mattew?" Tanong ni Michi.

"I havent seen him" napabuntong hininga siya "That idiot" dugtong niya.

"Napadpad ka ata sa library. It's trange for you to be here, y'know" bulong ko naman.

"Para mo namang sinabing tamad akong mag-aral"

"That's what you think? Ako kasi tingin ko mas worst pa duon"

"And what do you mean?" magsasalita na sana ako nang magvibrate ang phone ko. Nagtext si Mattew ...

Binuksan ko ang message ng pasimple. Magkita tayo sa rooftop ngayon.

Sinarado ko ang mga libro at tumayo "Oh? Aano ka?" Mahinang tanong ni Michi.

"M-may kukunin lang ako sa locker room. Babalik din ako kaagad" sagot ko at nagsimula na akong maglakad dahil panigurado ay marami pa silang mga tanong.

Naglakad ako papuntang rooftop. Hindi naman ganun kalayuan sa rooftop ang library kaya mabilis din akong nakapunta. Duon ko nadatan si Mattew na nakaupo sa lapag habang nakataas ang kanang paang may sapo-sapo ng kanang kamay niya. Nakuha ko kaagad ang attention niya kaya nagpatuloy lang ako sa paglalakad papalapit sa kanya.

Pinat niya ang lapag sign na tumabi ako sa kanya. Umupo ako sa tabi niya at pinagmasdan din ang kanina  niya pang tinitignan "Bakit mo ako gustong makausap?"

Wala sa mukha niya na gusto niya ng gulo "Hindi ba't gusto mo rin akong makausap? Speak it up"

Michi's Pov

Nararamdaman ko na may tinatago si Yuan. He isn't the type of person who lie to me.

Tumayo ako. "Oh? Aano ka naman?" Tanong ni Ingrid.

"Restroom" matipid kong sagot at nagsimula ng maglakad "May restroom naman dito sa library" bulong ni Ingrid pero hindi ko na siya sinagot.

Pagkalabas ko ng library ay kaagad akong dumiretso sa room ni Yuan. Pagkarating ko ruon ay wala akong Yuan na nadatnan at nabanggit pa ng ilang kaklase niya na naroon ay hindi pa raw siya bumabalik.

Nasaan ka ba?

Tumakbo ako pabalik sa library at kaagad na pinuntahan si Ingrid "Ingrid, bumalik na ba si Yuan?"

Umiling siya "Hindi pa ... "

"Ganun ba, be right back" at lumabas ako at pinakiramdaman ang presensiya ni Yuan. Mas bumibilis ang tibok ng puso ko habang papunta ako sa rooftop. Binilisan ko ang takbo at duon ko nadatnan sila Yuan at Mattew.

Mas pinili ko na hindi magpakita at nakinig sa pag-uusap nila.

"Gusto ko lang sanang sabihin na kung magtatanim ka man ng galit samin ni Michi .. please, sa'kin nalang at h'wag mo ng idamay si Michi" kalmadong sabi ni Yuan.

Ilang segundo ang lumipas bago nagsalita si Mattew "Kung magtatanim man ako ng galit, siguro ay sa sarili ko na. Minahal ko si Michi even if hindi ko man lang nalalaman ang nararamdaman niya para sa'kin" sumilip ako sandali at duon ko nakita na nangiti si Mattew.

My Prince From The CenturyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon