Chapter 15: Rookie Chef

186 9 0
                                    

Pagkababa namin sa bahay ay dirediretso lang siya sa loob. Hindi siya nagsasalita at narinig ko nalang ang pagsarado ng pinto ng kwarto niya.

Ano ba talaga ang nangyayari kay Michi?

Kumuha ako ng isang piraso ng notepad at nagsulat. Michi, ayos ka lang ba? Sino 'yung mga lalaki kanina? Ano ang koneksyon nila sa'yo at sa kuya mo? At umakyat ako at inilusot iyon sa pinto ni Michi.

Aalis na sana ako nang bigla itong lumabas pabalik. Napansin ko na nagsulat siya. Hindi mo sila kailangang makilala. Buhay ko 'to, h'wag kang mangialam.

Hindi ko alam pero nabibigla ako sa nakikita kong Michelle ngayon. Kinuha ko ang ballpen sa isang table at nagsulat 'kung kailangan mo ng tulong nandito lang ako' At nilusot ko ulit.

Di na ako naghintay ng sulat niya at bumalik na ako sa kwarto ko. Pagkabagsak ng katawan ko sa kama ay napatitig nalang ako sa kisame. Ano ba ang nangyayari ....

Michi's Pov

Pagkapasok ko sa kwarto ko kaagad nanlambot ang mga binti ko at napasandal sa pinto. 'Bakit ba nangyayari 'to?' Napapasabunot ko sa sarili kong tanong.

Maya maya ay may lumitaw na note sa ilalim ng pinto. Sulat ni Yuan, hindi ko sinagot ang mga tanong niya at mukhang naintindihan niya naman ako.

Sa huling sulat niya duon ay napaupo na ako. Hindi ko na napigilan ang mga luha ko. Bakit kailangan ko pang makilala si Yuan? Hindi ba pwedeng ibang tao nalang ang nakakita sa kanya? Ayaw ko siyang madamay sa sobrang gulo ng buhay ko. Ayaw ko na pati siya masaktan. Ayaw ko!

Pero anong dapat kong gawin?

Kuya Kael, tulungan mo ako.

***

Yuan's Pov

Nagising ako nang narinig ko na kumatok si Tita Salvi. Kaagad akong bumaba at nilagpasan ang kwarto ni Michi.

"Ito ang mga pinamalengke ko para sa inyo ni Michi" sabi ni Tita habang pumapasok papunta sa kusina. "Kagigising mo lang ba?" Tanong ni Tita habang inaayos ang mga pinamili niya.

"Hehe, opo tita. Ginabi po kasi kami ng uwi ni Michi" at duon ko naalala ang nangyari kagabi at di ko namalayan na nagsasalita si Tita. 'Hanggang ngayon wala pang nasasagot sa mga tanong ko. Ganito nalang ba lagi?'

"May problema ba, Yuan?" Tumingin ako kay Tita ng may pagtataka "Halos pare-parehas kayong tatlo"

"T-tatlo?" Pagtataka ko naman at napatigil ako sa ginagawa ko. "Kayong tatlo nila Naeca at Kael"

"K-Kael ...?" It's Michi's half brother right?

"Her older brother-" putol ko kay Tita.

"But Tita, nabanggit ni Michi na half brother niya lang po 'yon" kahit hindi naman sa knya mismo nanggaling. Hindi ko naman pwedeng sabihin ang nangyari kagabi.

Tumango si Tita "Kapatid niya sa ama"

Nabigla ako sa sinabi ni Tita "Ayaw ko na manggaling sa'kin ang mga sagot sa tanong mo. Kung hindi man maibigay ni Michi ang sagot ngayon, gumawa ka ng paraan para malaman mo ng maaga"

Narinig ko na nagbuntong hininga si Tita "Pero tingin ko sa ngayon, it's better na hayaan mo muna siya. Time will come na dapat niyo ring pag-usapan 'yan. Oh paano, aalis na ako. Iwan ko na sa'yo si Michi"

" S-sige po. Salamat po Tita" tumango lang siya bago siya umalis.

Inaayos ko 'yung ilang prutas at gulay nang makarinig ako ng yabag ng paa. Sa paglingon ko duon ko nakita si Michi. Nahinto siya sa pagbaba ng magtagpo ang tingin namin pero kagaad siyang umiwas ng tingin at nagpatuloy sa paglalakad. Gusto kong itanong ang mga nangyari kagabi pero .. "Y-Yuan .."

My Prince From The CenturyWhere stories live. Discover now