SPECIAL CHAPTER

135 6 3
                                    

MICHI'S POV

"Done!" tinanaw ko si Yuan sa lamesa na hinahanda ang mga pagkain. Habang ako nagdedecorate ng sala or more like, naglilinis ng sala.

Ya, hindi kayo nagkakamali sa una kong sinabi. Dahil ang sarap na magluto ni Yuan ngayon.

And now, we are celebrating dahil graduate na kami! At anytime or.... "Michi!!" sigaw ni Ingrid sa labas ng bahay.

Or soon?

Ah, ang aga naman nila.

"Ako na ang magbubukas" pagtakbo kaagad ni Yuan sa pinto para pagbuksan ng pintuan ang mga bwisita.

"Yo! Congratulations!" bungad ni Matthew na may dala nanamang bag na obvious naman ang laman.

"Congratulations, Ate Michi" pagsingit ni Kate sa likod ng dalawa.

"Thanks, Kate"

Sa pagpasok nila, nagsimula na ang kaguluhan.

"Who says na pwede kang uminom?" at kinuha ko ang bottle ng beer mula sa kamay ni Mattew na dapat ay iaabot niya kay Yuan. "Why, is there anything else that we should know?" murmured ni Ingrid na halatang nang-iinis siya.

Narinig ko naman ang mahinang pagtawa ni Yuan, "Don't laugh!"

"Y-Yes, yes" wala siyang nagawa kung hindi pigilan ang pagtawa niya.

"Speaking of that, have you seen this?" inusog ni Kate ang mga pagkain na nasa harapan namin para ilapag ang tablet niya.

Sa pagscroll down namin, isa itong article about sa mga buto na nakita sa Maefair.

"Sinasabi sa article na possible na buto DAW ng lost Prince na si Yuan Caverly ang nakita sa Maefair. April 21 xxxx, ang sinasabing tagal na ng buto based sa mga studies" ngumunguyang sabi ni Kate.

"W-Wait, what?... " hindi makapinawalang reaction ni Yuan. I mean, kaming lahat hindi makapaniwala sa article.

"So boneless ngayon ang Yuan na nasa tabi ko?" hindi ko alam kung pabiro o seryosong tanong 'to para sa kanila dahil natawa sila.

Nagulat naman ako nang hawakan niya ako, "Do I seems boneless to you?"

At syempre, natameme ako dahil sa ngiti niya. Dagdag pa ang init ng mga kamay niya ngayon.

"Ehem" pagsisimula ng tatlo.

"Hmm, so meaning death anniversary ngayon ni Yuan?" natatawang pagsira ni Mattew sa katahimikan.

"Ah! April 21 ngayon!" pagsakay ni Ingrid.

"Happy death anniversary, Kuya Yuan" nakangisi pang sabi ni Kate.

Napabuntong naman itong si Yuan.

May ngiti kong kinuha ang beer na dapat ay para kay Yuan. "Cheers?" biro ko at nangiti naman siya.

"Don't worry, kahit boneless ka pa, mahal kita" at mas lalong lumaki ang ngiti niya.

Hinayaan ko na na kunin niya ang beer at nagcheers kaming lahat maliban kay Kate na hindi pa pwede.

At kinabukasan. Para matahimik ang diwa ng pinakamamahal kong Prinsipe, ay nagtungo kami sa Maefair.  Kahit na kasi gaano siya kalasing kagabi, hindi parin siya nakatulog ng maayos.

Nakasulat din sa article na hindi pa nila nireretrieve ang mga buto at tanging mga important personnel lang ang makakapasok sa Maefair. Pero syempre, buto ni Yuan ang pinag-uusaan natin dito.

My Prince From The CenturyWhere stories live. Discover now