Chapter 23: Memory Of The Past

200 6 0
                                    

Namuo ang katahimikan sa paligid namin ni Yuan. "Ah, ito nga pala .. basahin mo 'to. Baka sakaling may maalala ka pa" binuksan ko sa harap niya 'yung libro.

"Tungkol naman san 'to?"

"Pamilya mo"

"Woah? Saan ka nakahanap?"

"Baka sa canteen?" Pilosopo ko namang sagot "Nagtatanong ng maayos eh"

"Common sense kasi. Dampot lang ako ng dampot. Balak ko kasi sanang matulog dito kaso ... nawala antok ko nang mabasa ko 'yung librong hawak ko"

"Sssh, magbabasa muna ako"

"Bahala ka sa buhay mo" kinuha ko 'yung isa niyang libro na dala niya at binuksan. Tinayo ko 'yun sa harap ko at dumukdok. Pinikit ko 'yung mata ko matapos kong hubarin ang eye-glasses at nilagay sa gilid.

Yuan's Pov

Written on the book: Ang Kaharian ng Caverly ang nag-iisang nanatiling nakatayo matapos maganap ang Ikalawang Digmaan sa pagitan ng maraming Kaharian. Ang Kaharian ng Caverly ay isang mayaman at payapang Kaharian sa ilalim ng pamamahala ng Haring si Jace Caverly.

Patuloy ko lang na binasa 'yung part na 'yon na halos sinakop ata ang 30 pages. May dalawang Prinsipe ang Kaharian ng Caverly, si Prinsipe Yoan at ang nakakabata na si Prinsipe Yuan. Halos hindi sila nagkakaiba ng ugali. Parehas silang masayahin at matulungin. Ngunit makalipas lamang ang tatlong buwan ng mapayapang Kaharian ay maraming tao ang sumugod sa Palasyo. Duon sinabi ng mga hindi pa kilalang rebelde ang kanilang mga saloobin tungkol sa bagong batas na ipinatupad ng Hari na pagpataw ng parusa sa mga nagkasala, ang parusang pagkitil ng buhay na hindi nalalaman ng dalawang Prinsipe.

Halos maputol ang hininga ko sa nabasa ko. Ang tinde pala talaga ng mga nangyayari nuong unang panahon. Okay, continue.

Nagbasa lang ako ng nagbasa na parang wala akong paki-alam sa paligid ko. Sa librong 'yon mas marami pa akong nalaman. Katulad nalang nang malaman namin ni Yoan tungkol sa pagpataw ng parusa, duon nagsimulang magrebelde si Yoan dahil ayaw niya ng ganung kaparusahan. Pero dinahilan ng Hari na para matakot sa batas ang mga mamamayan ng Kaharian ng Caverly pero kahit ganun parin, hindi parin tanggap ni Yoan ang desisyon ng Hari at sumanib sa mga Rebelyon. And after how many years na paghahanda nila, hindi namin alam na susugod sila sa palasyo but lucky me dahil wala ako that time sa palasyo. Sa pagbalik ko maraming namatay kabilang ang Hari at Reyna. And that was the time na ako ang naging Hari, hindi pa ganap na Hari dahil hindi ko kayang panindigan ang pagiging Hari. And that time, nagdeklara si Yoan ng giyera laban sa'min na ikinatalo ng dalawang panig. Natagpuang may saksak na espada si Yoan na alam ng lahat ay espada ko and at the same time, nawawala daw ako.

Well, nandito kasi ako ...

Manipis ang ang libro kaya naman natapos ko na kaagad ng 5pm. Sinara ko 'yung libro at nilingon si Michi. Si Michi na walang kamalay malay, dahil tulog na. Napabuntong hininga ako. First day of school, tulog sa library. Napakagaleeeeeeeeeng.

Dinampot ko 'yung ilang libro sa paligid namin including 'yung librong nasa harap ni Michi at nagbasa nalang muna ako. Hanggang 5:30 naman bukas pa 'tong library dahil sa mga study hard na mga studyante dito.

Nagbabasa lang ako ng librong may connection sa History hanggang sa paunti na ng paunti na 'yung estudyante. "Mr. Caverly, hindi ka pa ba tapos sa binabasa mo?" Tanong ng librarian na naglilibot na pala.

"Ah! patapos narin po, Ma'am" tinignan ko ang relo ko, 5:24 na but still tulog parin 'tong katabi ko. "Osige, maya-maya isasara ko na ang library"

My Prince From The CenturyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon