Chapter 35: Searching ...

185 5 0
                                    

Third Person Pov

"S-seriously? P-paanong nangyari na naalala ni Michelle si Yuan?" Tanong ni Aion.

"Cant blame her. Minahal ni Michelle ng totoo si Yuan at ganun din si Yuan. But, we can never tell if her memories of him .. will remain. Dahil hindi ito ang totoong mundo ni Yuan" sagot naman ni Kairos.

"Now, isn't it about time for you to fight for love?" Tanong ni Chronos habang nakatingin sa unti-unting dumidilat na mga mata ni Yuan.

Michelle's Pov

Habang patuloy na umiiyak ang mga mata ko. Naramdaman ko na may kwintas ako sa leeg ko na parang choker. Nakapa ko ang isang espada. Ito ang kwintas na nakita ko sa mga paa ni Yuan the first I met him ..

"M-Michi? .... " mahinang pagtawag sa'kin ni Ingrid at kaagad siyang lumapit sa'kin. Tinulungan niya akong umupo pero tinignan ko siya ng seryoso "Can you call the others? May gusto lang akong sabihin at itanong" tanong ko.

Nagtaka siya dahil alanganing oras nga diba "N-ngayon na ngayon na?"

Tumango ako at tumayo kami "Magkita kita tayo labas"

At dahan dahan akong lumabas ng room habang siya kinuha niya naman 'yung phone niya at nagsimulang maghanap ng signal. Luckily, wala akong nakasalubong teacher dahil kung meron panigurado papabalikin ako sa room.

Dumiretso ako sa labas para wala ng makakita sa'kin kahit na may ilang security syempre dumiskarte nalang. Ayaw ko kasing mag-ingay sa loob.

Pagkadaan ng ilang minuto narinig ko na ang kaluskos nila. Pasimple din silang lumabas at bakas sa kanila na antok na antok sila. "Ano bang kailangan mo dis oras ng gabi" sabi ni Stef

"Eh bat nandito ka nga ba?" Pagbalik ko naman ng tanong.

"Alangan namang hayaan ko si Kate 'no"

"Tsk. Anyway, m-may gusto sana akong itanong" this time, naging seryoso ang paligid. Well, hindi naman kasi normal 'to eh. "H-hindi niyo ba naalala si Yuan?" Seryoso kong tanong sa kanila.

Again, nagtaka sila pero "Yuan ... hmm, Yuan Caverly, joke" biro ni Ingrid.

"S-siya nga!" At napatigil sila.

Hindi sila nagsasalita dahil sa pagtataka kaya nagpatuloy ako "Hindi niyo ba siya naalala?! Si Yuan! 'Yung Prinsipe na nagmula sa nakaraan! 'Yung lalaking nakatira sa'min! Nakalimutan niyo na ba?!"

Gusto ko ng umiyak pero kailangan kong maging matatag! "A-ano bang sinasabi mo, Ate Michi?" Tanong ni Kate.

"Si Yuan! Nakalimutan natin siya! N-nakalimutan natin ang existence niya"

"Ate Michi, w-wala naman kaming kilalang Yuan" sabi ni Kate.

Lumapit ako sa kanya "H-Hindi mo na ba naalala 'yung lalaking tumulong sa'yo nung may lagnat ka? 'Y-yung lalaking nagbuhat sa'yo hanggang sa school clinic?"

Iniwan ko siya na parang nag-iisip siya at nilingon ko si Stef at Taf "K-kayo nakalimutan niyo na ba 'yung lalaking kumalaban sa inyo? 'Yung lalaking nagprotekta sa'kin?!"

At ito na ang mga mata ko. Gusto ng magluha. Gusto ng magbuhos ng luha.

Maging silang dalawa ay nagtaka rin kaya this time si Ingrid naman ang tinanong ko "Ingrid, alalahanin mo 'yung lalakig madalas mong nakikita na kasama ko sa library. 'Yung lalaking lagi kang tinutukso dahil sa pagiging tamad mo"

My Prince From The CenturyWhere stories live. Discover now