THAT KIND OF FEELS

1 0 0
                                    

Maghapon akong tumambay sa kwarto. Wala din naman akong ginagawa dahil Hindi pa tumatawag si Dean na talaga namang nakapagtataka. Gusto ko nga sana siyang bwisitin gamit yung red button sa kwarto kaso baka madagdagan ng isa pang buwan ang stay namin dito. Mas lalo ko lang pinalala ang boredom ko dito no?

Ano kayang ginagawa nila Jeya ngayon? Tinadtad na siguro nila ng text at tawag ang phone ko. Paano nalang kaya ang reaksiyon ni Greg sa tinext ko sa kanya? Kahit naman sanay akong hindi kami nagkikita at nag-uusap sa personal dahil nga patago lang iyong relasyon namin ay namimiss ko pa rin siya kasi nga.. Mahal ko siya. Sa mga panahong ganito at tambay lang ako sa kwarto, madalas niya akong kinakantahan sa phone o di kaya ay sa skype. Minsan gumagamit pa siya ng gitara or piano.

He is a basketball player pero meron din silang business ng Dad niya at habang nag-aaral siya ay tumutulong siya sa pagpapalago ng negosyo nila. That is just one of his traits na lagi kong ikinakatuwa. Kokonti nalang ang mga matitinong lalaki sa mundo na may pakealam sa kinabukasan nila.

At sigurado akong hindi kasama doon ang demonyong kasama kong ipinatapon dito. Psh! Wala akong nababalitaan na tumutulong siya sa negosyo nila. Sa halip ay puro sakit ng ulo ang lagi niyang regalo sa Daddy niya. Ewan ko kung nasaan ang mommy niya. Hindi naman ako masyadong nakikinig ng chismis sa school at baka nga ako lang ang hindi nakakaalam ng istorya niya.

Sino siya para paglagakan ko ng mamahalin kong panahon at oras? Psh. Masaya siya.

Bakit nga ba tayo napunta sa kanya? Kanina si Greg ang topic e.

So ayun nga. Tumutulong siya kaya minsan nasa iba't ibang lugar siya either sa Pilipinas or sa ibang bansa. Lagi nga siyang may dalang pasalubong para sa akin at pinapadala niya lang sa pinsan niya na nag-aaral sa university. At ang buong akala ng pinsan niya ay magkaibigan lang kami ni Greg.

Tanging ang dalawang bestfriend ko lang at kami ni Greg ang nakakaalam ng relasyon namin. Gusto kong wala akong tinatago sa mga kaibigan ko para alam naman nila ang nangyayari sa buhay ko. Alam ko namang mapagkakatiwalaan ko sila. Minsan nga, magkakasama kaming tatlo na pumupunta ng mall para kitain si Greg. Sila rin ang madalas kong palusot kay Dad kapag lumalabas ako at alam naman nila yun. Indeed, they are not just my partners in crime but also my sisters.

Naputol ang pag-iisip ko nang may kumatok sa pinto ko. Siyempre ang pinakapangit na mukha ang tumambad sa akin sa pinto.

Nakabusangot siya at halatang bihis na.He is wearing his faded jeans and a gray v-neck shirt at may suot na dogtag ulit. Tanggap niya na ba na aso siya kaya siya may suot na ganyan? Buti naman at tanggap na niya.

"Oh? Namiss mo ko agad?" Mapanuya kong sambit sa kanya.

"Psh. Naisip ko ngang miss mo na ako kaya ako pumunta ako dito. Tingnan mo, nakangiti ka na." Dahan-dahan kong hinawakan ang bibig ko.Yes. nakangiti nga ako. Psh! Bakit ba ako nakangiti? Ayan tuloy, kung anu-ano nanamang naisip ng bakulaw na 'to. Masyado pa namang asyumero.

"Masaya ako kasi maganda ako. Ang kapal ng mukha mo." Umakto naman siya na parang nasusuka. Wow? Ang kapal lang. "Bakit ka nga nang-iistorbo? At bakit bihis ka? May ka-date ka na agad?" Ambilis naman niyang makahanap agad ng malalandi. Basta talaga likas na haliparot, madaling nakakabingwit ng hipon. Tsk! Hindi naman siya lumalabas ah?

"Ganyan ka na ba katanda at ang dali mong makalimot?" Tanong niya na parang hindi makapaniwala. Bakit? May nakalimutan ba akong gawin? May sinabi ba si Ate Shai? Nung napansin niya na wala talaga akong maalala ay sinabi na agad niya.

"Malala ka na. Kaninang umaga lang nagsabi si Nanay na pupunta tayo sa kanila ngayong hapon, nakalimutan mo na? Psh." Tama pala! Bakit ko nakalimutan yun?

Missing MEWhere stories live. Discover now