THIS IS IT

1 0 0
                                    

THIS IS IT

Last hour na ng travel namin. Nakadaan na din kami ng mall kanina. That experience was very new. And for your benefit, sige magkekwento ako.

Sa labas ng mall na pinagbabaan sa amin, madaming mga pulubi. And hindi ko alam, basta ako takot ako sa kanila. I don't know. Without any reasons, I'm just afraid. Pero gusto ko rin naman tumulong pero hindi ko alam. Basta.

So ganun nga, nauuna na kami ni Ate Shai hanggang sa nakapasok na kami ng mall. Tinanong niya ako kung nasaan si Galleos. Naisip ko pa nga na sobrang tanga niya dahil nawala siya. Todo linga naman kami ni Ate Shai pero what caught my attention was very shocking. Yung tipong 'never in my life' na phrase ang magagamit mo kasi hindi mo talaga siya ineexpect na mawi-witness mo siya.

I JUST SAW GALLEOS GIVING ALMS TO BEGGARS!

Srsly?! Lahat talaga binigyan niya. And then nung nakita niya kami ni Ate Shai na nakatingin sa kanya habang nakayuko sa isang pulubing bata ay umayos siya ng tayo at ngumiti na lamang sa kanila bago lumakad papunta sa amin.

I was completely speechless and I can't even afford to react about what just happened.

Lumapit siya sa amin na parang napakanormal lang nung ginawa niya. Patay malisya siya. Ganern! After nun, yung medyo nahimasmasan na ako sa nangyari ay pinili ko nang humiwalay sa kanila at bilhin ang mga kulang na naiiisip ko.

Bumili din ako ng mga ready to eat na na pagkain para Hindi naman ako magutom if ever. Yun talaga yung sinigurado ko. Nung natapos ako, tumawag si Ate Shaina na dun pa rin kami magkikita sa labas dahil nandoon sila nung driver.

Palabas na ako nung mall at nakikita ko na sina Ate Shaina na nakatayo sa labas ng mall nung nakita ko nanaman si Galleos na nakaupo sa tabi nung mga pulubi at kumakain. Binilhan niya siguro ng pagkain. I was shocked again. Parang hindi talaga ako naniniwala sa nakikita ko at feeling ko nililinlang ako ng mata ko.

Nakikipagkwentuhan siya sa mga pulubi at tinuro ako nung isa nung nakita niya ako na nakatingin sa kanila banda. Napaiwas naman agad ako ng tingin at yumuko nalang at baka kung ano pang maisip nanaman ni Galleos. Iba pa naman yung likaw ng utak niya minsan. Napaka-hmf!

Nung gumawi ulit ako ng tingin sa kanya ay nakatalikod na siyang naglalakad papunta sa van. Nakatingin lang din si Ate Shai sa akin na ngumingiti ng makahulugan. Parang may sinasabi yung ngiti niya pero hindi ko maintindihan. Bahala na nga. Weird lang talaga siguro siya. Pero mas weird si Galleos.

Sobra! Isa talaga yun sa mga bagay na ni minsan hindi ko naisip. Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala. Pero siguro tama sila. Makikilala mo lang daw yung tao kapag lagi mo na siyang nakakasalamuha and maybe this is just the start. Day 1 palang naman namin 'to and we still have 4 months para mas makilala ko siya.

I don't mean anything pero parang mas nacurious ako kung sino talaga yung totoong siya.

Napabuntong-hininga ako nung huminto ang van sa isang bahay. Maybe this is it! This is our punishment that we can't escape anymore. Goodluck to me.

It is a simple house. Concrete. Painted with orange and white. Dalawang floors siya. Simple pero maganda naman. Honestly, pasado na sya sa taste ko dahil hindi naman ako masyadong maarte. It's a typical provincial house. Dalawang floors siya. It's good. Madami ring mga halaman na nakapaligid.

Malalapit lang din ang mga bahay. Steps away lang pero nababakuran. Halos magkakagaya lang naman ang mga bahay dito at concrete din. Para siyang subdivision pero hindi talaga yung pangmayaman. Average lang.

Bumaba na kami nina Ate Shaina. Waaah! This is what province feels and smells. Medyo malamig tsaka hindi masyadong mainit kasi medyo may silong na binibigay ang mga puno.

Missing MEWo Geschichten leben. Entdecke jetzt