BYE FOR NOW

1 0 0
                                    

I searched for my cellphone sa shoulder bag na dala ko. Pag-open ko may mga messages na galing kina Jeya, Daddy, Greg at Benj. Paktay na.

Una kong binuksan yung sa mga babae.

JeyaBessy<3

Ano 'to Gabrielle!? Para kang nagpapaalam. Care to explain. Mag-uusap tayo mamaya. Be early.

Napabuntong hininga nalang ako at inopen naman ang kay Mae.

BeshMae <3

Where are you going? Wag mong sasabihin na magbabakasyon ka? Bakit di mo nalang kami isama? And you didn't tell us anything. Jeya texted me to be early. Mag uusap daw tayo. See you in a bit!

Napakagat ako sa labi ko. Ayaw kong umiyak dito no. andito yung asungot at baka layasan pa kami ng driver at assistant ni Dean if ever mang-aasaran nanaman kaming dalawa. Hay nako. Buhay.

Paano ko sasabihing Hindi na muna kami magkikita ngayon? Paano ko sasabihing Hindi na nila ako maaabutan kasi nakaalis na ako? Paano?!

Pumikit nalang ako ng mariin bago ti-nype yung sasabihin ko sa kanilang dalawa.

I will explain everything when I get back. Bye for now. I promise, I'll be good. Kayo rin. I love you so much Girls!

Sunod kong binuksan ang message ni Dad.

You left already? Be safe. Grabe ang iyak ng mommy mo kanina when you left. Thank you sa mga notes. I love you anak. Take care of yourself too okay? Behave.

Umiyak si mommy? Maybe I disappoint her again. Talaga naman Gab. Diyan ka naman talaga magaling. Paano ko sasabihin kay Dad na hindi ako nagbehave kaya ako aalis. Kaya ako mawawala for months?

Hindi ko nalang siya nireplyan dahil ayoko nang dagdagan ang mga kasinungalingan ko sa parents ko. Kahit ngayon man lang mabawasan ng kahit isa o dalawa. Hays.

Napangiti nalang ako nung nabasa ko ang text ni Greg.

GregLoves <3

Goodmorning Babe my love. I hope that 'soon' will be one of these days. I love you. Keepsafe!

Baka one of these months pa Babe. Myghaad! Ngayon ko lang naisip. Today is September 27. I have October, November, December and January to be awar kasama ang kumag na'to. I will celebrate Christmas, New year and even Halloween with him?! Myghad! This can't be!

Hindi ko makakasama ang pamilya in many celebrations. I can't celebrate our first anniversary with Greg kasali na ang mga monthsaries! Meaning, I will be back on January 27. Doon ko pa talaga icecelebrate ang birthday ko?! That is my debut! Mahalaga yun lalo na sa mga babae! Paano ko iyon icecelebrate kung kasama ko 'tong ugok na'to?! I didn't saw this one coming!

Nagkahalu-halo na ang stress at frustrations ko dahil sa mga naiisip ko! Kinurot ko yung pisngi ko. Aw! Hindi nga talaga siya panaginip! Bakit diko to naisip kagabi pa?!

"Ikaw nalang ba ang talaga ang nakukyutan sa sarili mo?" Natigil ako sa pag-iisip nung sinimulan nanaman ni Galleos ang pang-aasar! Humarap ako sa kanya at nakangisi siya ngayon na parang tanga. Parang bigla namang kinabahan ang katabi niya dahil alam niya na kung anong mangyayari after nito.

"Ang kapal talaga ng balat mo! Kurimaw ka talaga! Pasalamat ka nalang at Hindi kita katabi kundi —"

"Hindi mo naman sinabi na gusto mo akong makatabi. Ang sweet mo talaga!" Halos maputol na lahat ng ugat sa katawan dahil lang sa gigil ko sa kumag na'to.

Sasabat pa sana ako nung tumunog ang phone ko. Pinakita ko yung kamao ko kay Hayward kasabay ng pagdilat ko sa kanya ng mata. Tumawa lang iyong gago. Umayos ako ng upo at huminga ng malalim bago sinagot ang tawag ni Ranz.

Missing MEWhere stories live. Discover now