SEE YOU SOON

1 0 0
                                    

Gumising ako ng maaga at nagprepare na rin because today will be a very long and stressful day. Marami pang mga naglalarong katanungan sa utak ko at tanging si Dean lang ang makakasagot nun.

I finalized my things and I took one last glance at my room. Mamimiss ko ang kaadikan ko sa BTS. Ang study table ko. Ang closet ko. Ang mga pictures na nakasabit. Even my toilet. Naku naman.

Nung naisipan ko na para na akong tanga dito, tumalikod na din ako at nilock ang kwarto ko. Mahirap na at baka may pumasok at makita niya ang hindi dapat makita. Kinatok ko ang kwarto nina Dad pero walang bumukas ng pinto. Nung sinubukan kong buksan ay nabuksan naman. Sumilip ako ng konti at nakita ko silang tulog ni Mommy. Iniwan ko yung mga gamit ko sa labas at tanging yung shoulder bag ko lang ang dala ko.

Pumasok ako sa loob at isinara ang pintuan. Nakayakap pa sila sa isa't-isa. Hay. Mamimiss ko talaga ang presence nila for sure. Napangiti nalang ako nung napicture out ko yung ganung posisyon kasama si Greg. Pinikit ko yung mata ko pero napamura ako sa utak ko sa nakita.

Bakit si Galleos yun?! Sheyt na malagkit!

Kaaga-aga pa lang, kahit di ko pa nakikita yung pagmumukha niya sirang-sira na ang araw ko. Jusko! Paano nalang po ako sa loob ng apat na buwan. Omyghaad!

Iwinaksi ko nalang ang kabwisitan ko at tiningnan muli sila Daddy. Naisipan kong ilabas nalang yung sticky note at naghanap ng ballpen. Nakakita naman ako sa side table nila.

Naiiyak nanaman ako. Nyemas naman.

Good morning parents! I left early and I won't wake you up nalang. I will be away but I hope, when I get back you'll be proud of me. Always be safe and please take care of yourselves. Huwag pong magpakapagod sa trabaho. I will miss you. I'll see you soon. I love you so much!

-Gab

Tumutulo na yung luha ko habang dinidikit yung sticky note sa phone ni mommy. Hindi ako ganito kavocal sa kanila, lalong-lalo na kay mommy. Feeling ko nga may gap kasi lagi nalang ako ang nagbibigay ng disappointment sa kanya. Lagi ko siyang binibigyan ng problema kaya feeling ko yun yung nagbuild up ng barrier between sa aming dalawa. Dagdag na siguro yung madalang naming pagkikita lalo na ang pag-uusap. Kaya nga naging Daddy's girl ako.

I turned around to look for their vitamins. Nagsulat ako ng panibagong note.

Drink your vitamins everyday okay? Forget everything else but not this one.

Sa sticky notes ko lang naipapadama ang care ko sa kanilang dalawa dahil nahihiya akong mag-open up. Maliban nalang siguro minsan kay Dad. Napatingin ako sa relo ko at medyo tatanghaliin na ako kung Hindi pa ako aalis. Lumingon akong muli kina Dad at humakbang palapit sa kanila. Yumuko ako at hinalikan sila sa noo.

"I'll make you proud when I get back. You will be proud to have me as your daughter and not as a disappointment. I love you mommy." Mahina kong usal kay Mommy. Medyo gumalaw siya. Umayos na ako ng tayo. My eyes went teary again kaya tumalikod na ako at baka dito pa ako humagulhol.

Binuksan ko na yung pintuan nung may narinig akong mahinang nagsalita.

"I am already proud of you. Take care of yourself and I will wait for you. I love you Gabrielle."

By the voice of it. Si mommy yun pero Hindi na ako humarap at agad ko nang sinarado ang pintuan. Humagulhol na ako sa labas. Mas naiiyak ako sa mga sinabi niya. Grabe. Hindi ko inaaasahan yun. Kotang-kota na ako sa drama ngayon kaya hindi na ako tumuloy sa kwarto ni Benj. Tatawagan ko nalang yung makulit na batang yun mamaya at mahuhuli na ako.

Hindi na ako nagbreakfast at nagpaalam lang ako kay Yaya Gloria. Siya ang isa sa mga confidant ko na lagi kong sinasabihan at nilalabasan ng problema. Siya kasi lagi ang nakakasama kong naiiwan dito sa bahay.

Missing MEWhere stories live. Discover now