THE PUNISHMENT

1 1 0
                                    

Napasinghap nalang ako matapos kong marinig ang mga salitang hindi ko inaasahan na lumabas sa bibig ng Dean. Hindi talaga ito yung ine-expect kong maging kahihinatnan ng mga pinanggagawa ko nang dahil lang sa demonyo na may katawang tao.

Lumabas na kami after ng sinabi ni Dean na magkikita kaming tatlo bukas sa office niya kasama ang mga gamit na kakailanganin namin at matapos ang pambabara nanaman ni Galleos sa kanya. Pero paglabas ng office, nagsalita nanaman ang demonyo na may ngisi nanaman.

"Pinasaya mo talaga ako ngayong araw. Grabe. Kahit sinampal mo ako. Iisipin ko nalang na sampal yun ng pagmamahal." Tumatawa siyang tumalikod na siya agad pagkasabi niya nun.

"Walangya ka! Kasalanan mo 'to lahat! Tsaka deserve mo yun gago ka! Ulol! Sampal yun ng panggagalaiti!" Pahabol ko pang sigaw sa kanya. Huminto siya at humarap sa akin nang nakangiti.

"I love you too. Wag mo ako mamiss ha? See you tomorrow!" Ngumuso pa siya at tumawa bago naglakad na nakangisi pa rin at umiling iling. Mapigis sana yang bibig niya! Letse!

Madami nang katanungan ang pumapasok sa utak ko. Akala ko simpleng community service lang ang mangyayari pero baka nagsasawa na din silang magbigay sa amin ni Hayward ng mga parusa. Ako nga, nagsasawa din e. Madaming worries ang napipicture out ko sa utak ko. Madaming possibilities na maaaring mangyari sa apat na buwan na magkakasama kami. At hindi ko alam kung mapapatay ko na ng tuluyan yung Hayward na yun sa loob ng panahong iyon. Kaasar talaga!

Muli kong binasa ang nilalaman ng papel na binigay ni Dean. Para itong letter na nagsasabi ng mga mangyayari sa amin, mga reminders na kailangan naming malaman, mga karagdagang punishment 'pag hindi kami naging successful at isang pangungusap na talagang kanina ko pa iniisip.

Don't make your Mom disappointed and be sorry for having you as her daughter.

This has always been the first one on my worry list. To make my mom disappointed. She always wants me to be the best. Yung tipong susunod sa mga yapak niya. She is the main reason why I still attend my classes and took up Engineering. Siya. Dahil gusto ko dumating yung araw na magiging proud siya dahil anak niya ako at maipagmamalaki niya ako sa lahat.

ENGINEER CHRISTINA VILLACASTIN. The world's most in demand engineer. Isang sopistikadang babae na madami nang naipatayo na mga gusali, imprastraktura hindi lang sa bansa kundi maging sa labas. Isang babae na maraming tumitingala, maraming umiidolo. At ayoko na dumating yung araw na ako yung makakasira sa career at image niya. Yun ang pinakaayokong mangyari.

I took a glance on the same paper inside that brown envelope that still gives me the chills.

MAJOR OFFENSE PUNISHMENT

Good day!

Ms. Chisan Villacastin and Mr. Nathan Hayward will be staying at a certain province for three months. The university officials already prepared everything that you will need. YOU WILL BE UNDER ONE ROOF with no one. You will do every household chores starting from cleaning the house, down to washing the dishes and doing the laundry.

The directors already sent a letter to your parents saying that you will be away for four months for an immersion where using of gadgets and any other measures will be limited and parents of both parties already agreed. But know that the PhilaMonica University will provide everything and take full responsibility for your safety.

You need to finish and pass this punishment or else, both of you will not graduate as students under the Engineering Department of the PhilaMonica University and will not be able to be enrolled in any engineering related courses in any university in the Philippines or abroad.

Only the Board of Directors can tell if you passed the punishment or not at the end of four months.

REMINDERS:

Missing MEDonde viven las historias. Descúbrelo ahora