ADDITIONAL MOMENT TO REMEMBER

1 0 0
                                    

ADDITIONAL MOMENT TO REMEMBER

Jusko! Ano nalang ang sasabihin ng boyfriend ko? Ng mga kaibigan ko? Masisira talaga ang reputasyon ko nang dahil sa lalakeng yun! Nakuu! Makukurot ko talaga siya ng nailcutter! Siya talaga ang salarin sa bawat pangyayaring ganito! Lagi nalang ako ang may offense. Kung sana lang ay ito na ang last. Pero ito naman ata yung pinakamahirap! Hindi ko alam kung matatagumpayan ko'to! Sad to say, Namin pala! Grrr!

Nanggagalaiti talaga ako sa bakulaw na yun! Talaga naman! Ikaw na ang bahala Lord.

Lumipas ang ilang minuto ba o oras? Napatingin ako sa wall clock na nasa taas ng study table ko. Alas-diyes na pala ng gabi. Hindi pa ako inaantok.

Well, sino bang aantukin kung marami ka pang iniisip at natatakot ka sa parating na umaga. Yung tipong ipagdadasal mo na sana hindi na matuloy yung susunod na araw. Hindi ko na alam ang gagawin ko kaya nag impake nalang ako ng mga kakailanganin kong mga gamit sa loob ng apat na buwan. Wala na akong ibang choice kundi tanggapin nalang ang kapalaran ko for today and the next four months.

Well hindi ko naman alam kung anong mga gagamitin ko kaya nag impake lang ako ng mga damit, konting dress, may mga short at sando pero sigurado akong hindi ko yun gagamitin pag kaming dalawa lang ni Galleos! Myghaad! Ang manyak pa naman nun! Nanginginig talaga yung mga laman ko habang iniisip ko palang!

Mostly mga jogging pants nalang ang mga inimpake ko. Mga tee-shirt tsaka mga comfortable clothes na panggala. Nagprepare din ako ng sandals, sneakers, slippers tsaka rubber shoes. Hindi ko naman alam kung anong challenge ang mga ibibigay nila sa amin ng balakubak na yun.

I brought my toiletries, yung mga kakailanganin ng mga babae at kung anu-ano pang kagamitan. Siyempre, nagdala din ako ng konting notebook baka kailanganin at para mareview ko yung notes ko at baka pagdating ko dito wala na akong maalala. Kung makakabalik pa nga kami. Paktay na. Yung wallet ko na may mga lamang ATM cards, pati ang phone ko ay itinabi ko na rin. Siyempre, hindi nawala yung unan kong may mukha ng BTS para kahit konti man lang ay mapaghuhugutan ko ng lakas. Naks!

Luminga-linga ako at tiningnan kung may nakalimutan ba ako. Nakita ko yung sticky note at marker sa study table kaya hinablot ko na rin pati na yung mini diary ko na ewan. Hindi ko nalang dadalhin ang laptop ko at tablet dahil nga limited lang daw ang gadgets even if it means na tatanggalin ko na yung pagbabasa at pagsusulat ko sa wattpad, pagiging updated sa BTS at hindi pagnood ng KDrama. Haynako! Nasanay pa naman ako dito. Ano nalang kaya ang gagawin ko 'ron? Probinsya pa naman yun! I really didn't see this one coming my way. Grrr.

Pinagpawisan ako kaya naisipan kong maghugas ulit ng katawan. Bumaba ako after kong nagbihis ng pantulog. Dumiretso ako sa kusina at tiningnan kung may pagkain pa. Nung nakita kong wala, kumuha nalang ako ng bread at nutella sa ref para gumawa ng sandwich. Okay na yan. Hindi pa naman ako marunong magluto.

There I realized, paano nalang ang kakainin ko doon? Sana lang marunong magluto si Hayward or kung hindi may mga malalapit na pwedeng kainan. Hindi naman ako mapili sa pagkain tsaka kahit babae ako, hindi naman ako maarte. Patay na talaga. Hindi ko din naman siguro malulunok kapag yung kumag na yun ang magluluto at baka lagyan niya ng lason at Hindi natin alam baka gayuma. Juice colored!

"Oh? Bakit ngayon ka lang kumain?" Napaigtad ako nung nagsalita si Dad sa likod ko. In-on niya ang switch ng ilaw sa kusina. Nakapantulog na din siya.

Ngumiti lang ako kahit pa hindi ko inaasahan na makakausap ko pa pala siya bago ako matulog ngayon.

"Wala lang Dad. Nakatulog ako kanina e. Kayo po? Bakit gising pa kayo?" Umupo siya sa tabi ko at inakbayan pagkatapos niyang kumuha ng tubig sa ref.

"Nauhaw lang ako e tsaka Hindi na ako nasanay na wala lagi ang mommy mo. Wala akong katabi." Nakangiti siya habang umiiling. "Mommy's boy ata ako." Natawa nalang kami pareho sa sinambit niya.

Missing MEМесто, где живут истории. Откройте их для себя