A LITTLE BIT OF INTENSE

4 0 0
                                    

"You two should be successful with this punishment. This is for the both of you and this is to maintain the peacefulness in this campus dahil sa inyong dalawa lang nagsisimula ang kaguluhan sa paaralang ito! Understood?"

Isang napakahabang litanya nanaman ang pumasok sa mga tenga ko ngayong araw. Jusko! Wala nanamang bago dito. Kung hindi lang dahil sa anak siguro ito ni hudas na katabi ko, matagal na din sigurong may kapayapaan sa buhay ko mismo.

Nasa Dean's office ako, well kami. Gumawa nanaman siguro kami ng gulo kanina. Actually, hindi naman talaga siya gulo. Konti lang naman yung damages kanina sa cafeteria. Mga naputol na mga mesa, nagkalat na natapong pagkain, tsaka natapunan lang naman ng spaghetti mula sa plato ko yung mga dean ng university na kasalukuyan palang nagcoconduct ng meeting sa cafeteria nung time na yun. Yun lang naman. Ewan ko ba kung bakit ang O-OA naman ata nila.

Paano naman kasi, ke dami daming offices ang univ, madami pang excess na rooms na hindi naman ginagamit. Excess nga e. Tanga lang? Sa cafeteria pa naisipang magmeeting.

Akala ko ba matalino? Talaga naman!

"Galleos! Susada! Answer me!" Nanggagalaiti nanaman sumigaw ang dean ng engineering department. Hindi pa nga ako nakakapagsalita, magsasalita nanaman siya. Hay nako.

"Sir, huwag ka na sumigaw magkaharap lang naman tayo. Tsaka ang wrinkles mo oh." Nanunuya pa ang isang 'to sa siyang kadahilanan ng mga gulo. Sinapatos ko na ito kanina pa kung wala lang sa harap namin ang dean. Nakuu!

"Tumigil ka Galleos! Kung makakarating pa ito sa ama mo, hindi ko na alam kung saan ka aabutin." Paano ba naman kasi, anak ng nagmamay-ari ng university kaya ganyan umasta kahit pa sa harap ng dean. Hindi naman yan marunong rumespeto e. Parang ako din ata.

Napangiti naman ako sa naisip ko. Kinagat ko nalang yung ibabang labi ko.

"Baka po sa tagaytay. Hindi niya po ba naibulong sa inyo?" Nakangisi pang sabat nanaman niya. Inirapan ko lang siya. Tss. Baliw talaga. How sarcastic.

Nadagdagan pa tuloy ang init ng ulo ni Dean.

"Shut up! Now, both of you." Ito na siguro yung time na ibibigay sa amin ang mga punishments. Parang nakakasawa na nga e. Lagi nalang ba? Walang katapusang community service. Naku naman. Wala bang bago?

Inilahad sa amin ni Dean ang dalawang brown envelope na may seal ng school. Scented pa! Hahaha! Talaga namang sosyal ang paaralan namin.

"That will be your punishment. Kailangang mapagtagumpayan ninyong dalawa iyan. Ngayon palang nakapagrelease ang Board of Directors ng isang parusa para sa isang napakamajor offense. You should do every bit of effort na kinakailangan upang makabalik kayo rito at hindi pa gagawa ng kahit na anong klase ng gulo. Kung—"

"Kung ano Dean?" Tanong ko naman. Ang creepy naman ata ng atmosphere dito.

"Atat lang? Mag antay ka nga!" Sabat nanaman ng anak ni hudas.

"Gigitilan kita ng leeg. Hindi ikaw ang kinakausap ko!" Akmang susuntukin ko na siya nung ipinatuloy ni Dean ang sasabihin niya na siyang nagpatigil sa mundo ko.

"Kung makakabalik man kayo."

Missing MEWhere stories live. Discover now