Umuwi na rin kami. Pagpasok pa lang namin sa sala nina ate Nancy, di ko na napigilan na magsalita.

"Mayor naman! Ano bang sumapi diyan sa inyo at ginawa niyo iyon? Para kayong naghahanap ng gulo eh!"

"Ginawa ko iyon, para kilalanin ang pagkatao ng de Quatro na iyon. Hmph! Lumalabas ang tunay na kulay ng isang tao, kapag napipikon; tandaan niyo iyan."

"Ay oo Mayor, tama kayo diyan; labas na labas nga kanina sa lahat iyong kulay niyo eh!"hirit ni kumag.

Napatitig si Mayor nang masama kay kumag; paano, medyo basag lang naman siya dun sa hirit na iyon.

"Pero Mayor, paano kung resbakan tayo nun dahil sa ginawa niyo? Hawak niya 'tong lugar na 'to, remember,"sagot ko naman.

"Hindi ako natatakot sa hukluban na iyon, subukan lang niya na galawin ang kahit isa lang sa atin! Isa pa, malakas ang kutob ko na may kinalaman siya sa pagkawala ni Nessy; kaya hindi ko siya titigilan!"

Natigilan, at napaisip ako bigla sa sinabi iyong ni Mayor. Hindi iyon imposible. At kung magkaganun nga, iyong tao rin na iyon ang nasa likod ng pagtatangka sa buhay ko. Pero ibig sabihin din nun, mas magiging malaki ang problemang kakaharapin namin; dahil literal na mayor iyong babanggain namin.

                                                                            #

Wala ring nangyari sa pag-uusap namin ni Mayor, buo talaga iyong loob niya na makipagtapatan dun kay de Quatro. Pumunta na lang ako sa kwarto, at naupo sa kama. Mayamaya pa, pumasok na rin si Luis.

"Sandro, ibang klase rin pala talagang magwala iyang si Mayor noh,"pabulong niyang sambit, sabay upo sa tabi ko.

"Sinabi mo pa, pre. Minsan nga, feeling ko ako iyong tatay at siya ang anak eh, paano mas pasaway pa siya kesa sa akin,"napapangisi kong sagot.

Natawa naman siya nang mahina.

"Siya nga pala pre, si Madam Nessy ba at iyong si de Quatro, nagkaroon ng issues?"

"Hmph, may kinalaman ba iyang tanong mong iyan dun sa sinabi ni Mayor?"

Tumango ako sa kanya.

"Actually, nagduda rin naman kami ni ate Nancy na baka konektado nga siya sa pagkawala ni ate Nessy. Kaso, wala naman kaming makitang motibo eh. Hindi naman kasi sila close, dahil mas madalas na nasa Maynila itong si ate Nessy."

Okay, parang mas lalo pa atang nagiging puzzling itong mga nangyayari. Hindi ko na alam, kung anong iisipin ko; ang sakit sa ulo!

"Oh sige na Luis, kailangan ko pang magbihis ng gi, at sasamahan ko pa iyong mga bata sa pagbalik nila sa kakahuyan."

"Huh? Babalik sila ulit dun?"

"Oo, 2pm pa lang naman, maaga pa. Tsaka may usapan kasi kami ni Mayor, na dapat masulit iyong oras nung mga dito sa ensayo nila."

"Ahmmm, pwede ba kong sumama? G-Gusto ko kasi sanang makita kung paano magturo ng karate si Master Sandro eh,"napapangiti niyang usisa.

"Ah, sure, wala namang problema sa akin,"napapangiti ko ring sagot.

"Iyon! Salamat ah,"

Pagkasabi niya nun, naramdaman ko na lang na may pumatong sa kamay ko na nasa kama. Pagtingin ko, nakapatong iyong isang kamay niya sa kamay ko. Nawala iyong ngiti ko, at napatingin na lang ako sa kanya; dun na niya inalis iyong kamay niya.

"S-Sorry, nabigla lang."

Kahit ako nabigla rin.

                                                                             #

Shut Up Ka Na Lang (Boyxboy)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ