Full String To Stop: Episode 10

316 2 2
                                        

Mga pagod na paa ang pasadsad na humahatak sa kanyang sapatos,

habang buong ngitngit na kumakaskas ang swelas nito sa mala dragon na kutis ng semento.

Mga inis na pisngi ang bumubuhat sa mabigat na simangot na kanina niya pa bitbit.

Mga nanghihinang balikat ang may dala ng kanyang bag at walang katapusang katanungan. 
At halos mahati sa dalawa ang kanyang utak, sa pagpoproseso ng mga impormasyong kanina niya lang nalaman.

Mula sa kanto na binabaan niya, hanggang sa maapakan ang sinisintang door mat ng kanyang nanay, na nakalapat sa labas ng kanilang pintuan, lahat ito ay kanyang ininda ng sabay sabay.

Pucha, ano bang nangyari?


Mali ba ang naging reflex ng katawan ko sa bawat impormasyong isinaksak niya sa aking tagiliran? 
Sabi nila, masama daw magsinungaling, kahit pa mabuti ang iyong intensyon.

Pero bakit sablay parin ang resulta ng pagsasabi ko ng totoo?

Hinusgahan ko ba siya?


Hindi naman ah.


Sana nalang pala, nagtata-tumbling ako sa harap niya habang nagwawagayway ng pompoms nung sabihin niyang aalis na siya. 
Baka sakaling naging matino pa ang ending ng araw na ito.

Pagpasok ng pinto, bumungad sa kanya ang kanyang nanay, nakaupo, tutok sa television at tila hindi kumukurap.

Julian: Andito na po ako.


Ermats: Andito din ako. Destiny?


Julian: (Ngumiti, umupo at tumabi sa kanyang nanay) Anong palabas?

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 18, 2012 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Full String To Stop: Episode 01Where stories live. Discover now