Simula ng bagong school week.
Tulad ng mga nakalipas na araw, nagbalak na naman siyang sabayan pauwi si Helena.
Hindi niya rin maintindihan kung bakit ba pag sabay pauwi ang kanyang ultimate plan.
Bakit di nalang niya yayaing magtanan agad ang sinisintang dalaga at isabuhay ay sinabi sa bibliyang
"humayo kayo't magpakarami?
Lunes.
As usual, balak na naman.
Ang plano?
Susundan niya papuntang canteen o kung saan mang lupalop kakain ang magandang dalaga pagdating ng lunch break.
Mag-papanggap na hindi niya ito napansin habang nakapila sa counter.
Kunwaring magugulat pag nagtagpo ang kanilang paningin.
Konting kamustahan at ililibre niya ito ng lunch.
Kung hindi man pumayag si Helena, mang-ho hostage siya ng isang palaboy na paslit para mapilitan itong mag-palibre.
Oo, dahas kung dahas.
YOU ARE READING
Full String To Stop: Episode 01
RomanceThis is not my work :) It's my idol, Jayson who wrote this story :) Sana po mag-enjoy kayo sa kwento ni Julian Rebuelos :)
