Full String To Stop: Episode 9-B

210 2 0
                                        

Lumipas ang mga araw.

Nag-daan ang mga linggo.

Mula sa tila pambihirang sapak ng swerte, gaya ng pagtama sa lotto, nauwi ang mga tagpo ng kaba at kilig bilang regular na pangyayari.
Magkikita sila sa sakayan.

Dadalhin niya ang gamit ni Helena.

Papasok sa ekwelahan ng magkasama. Magkasabay na kakain.

Magkikita sa labasan.

Dadalhin niya ang gamit ni Helena.

Uuwi ng magkasama.

Kumbaga sa walang bantay na jumpshot ni Michael Jordan, "matik" na lahat.

Di na kailangan  ng mga pambungad na bati o garalgal na intro dahil sa kawalan ng kompiyansa.

Ayos naman ang takbo ng lahat. Hanggang sa basagin ng isang tanong, ang daloy ng mga bagay sa pagitan nila ng dalaga.

Tulad ng mga nagdaang araw, dumating silang sabay sa klase. Naupo na si Helena at nagtungo na din si Julian sa kanyang pwesto. Nang biglang lumapit muli ang dalaga.

Helena: Wallet ko?


Julian: Ah, oo nga pala. (Dinukot ang wallet mula sa bag ni Julian)


Helena: Saan tayo kakain maya?


Julian: Bahala na.


Helena: Ok. Maya nalang.

Full String To Stop: Episode 01Where stories live. Discover now