Naiwan siyang nakatayo.
Nakatingin parin sa direksyon na tinahak ng sinakyang jeep ni Helena at bukas-baga na tinanggap ang usok mula rito.
Saka lang bumaon sa kanyang kamalayan na,
"Siya ang pinaka-unang babaeng dinala ko sa bahay. Well, kung hindi counted ang mga kaklase kong babae noong highschool na kasamang nag-practice para sa isang play kung saan ako ay gumanap bilang isang kagila-gilalas na puno ng Mabolo at walang dialogue.
Leche. Mukhang hindi ko makakalimutan ang tagpong ito buong buhay ko hanggang sa lunurin ako ng katandaan. Mahirap makalimutan ang mga *firsts*. Sana lang, hindi ito ang *last*".
Paguwi sa bahay.
Ermats: Maganda siya.
Julian: Alam ko po.
YOU ARE READING
Full String To Stop: Episode 01
RomanceThis is not my work :) It's my idol, Jayson who wrote this story :) Sana po mag-enjoy kayo sa kwento ni Julian Rebuelos :)
