Full String To Stop: Episode 05

185 2 0
                                        

Tumunog ang alarm clock.

Pero wala din namang silbi ang makabuhay-diwang huni nito.

Kanina pa gising si Julian at parang sabog na nakatitig sa nasabing orasan na tila inaantay lang ang hudyat nito.

Naligo.

Kumain ng almusal.

At buong saya na nagpa-alam upang pumasok.

Julian: Alis na po ako, Ma.

Ermats: Oh, malakas ang ulan. Baka makalimutan mong magdala ng payong.

Julian: (Naalala na pinahiram niya ito kay Helena) Wala nga eh.



Ermats: Bakit? Nasan ba ang payong mo?



Julian: Pinahiram ko po.



Ermats: Kanino?



Julian: Sa kaklase ko.



Ermats: Engot! E di ikaw naman ang nawalan.



Julian: Eh kasi. Uhmm. May phobia po siya sa tubig ulan.



Ermats: Ano? Praning ba siya?



Julian: Ah. Kasi. Ganito yun. Nung bata daw siya, naisipan niyang maligo sa ulan. Tapos tumapat siya sa alulod ng bubong ng kanilang kapitbahay. Huli na ng kanyang malaman na sagana pala ito sa jerbaks ng pusa. Kaya ayun. Simula noon, nagka phobia na siya sa tubig ulan at nakakaranas ng diarrhea tuwing nababasa nito. Naawa naman ako. Ikaw kaya ang kumulo ang tyan habang nasa byahe pauwi.

Full String To Stop: Episode 01Where stories live. Discover now