Gusto kong sumigaw.
Gusto kong magtata-talon sa tuwa.
Gusto kong maluha na eksaktong papatak sa lupa, at dun sa mismong lugar na iyon, tutubo ang isang magandang bulaklak na tatawaging
JuLena.
At ang tagpong ito sa buhay ko ay tatawaging
"Ang Alamat ng Julena".
Teka, parang tunog ka-love team lang ni Marven Agosten.
Leche.
Wala na akong pakialam.
Dahil sa mga sinabi niya, naniniwala akong posible ang lahat.
Totoo ang mga aliens.
Meron ngang Lochness monster.
Nanganganak talaga ang mga kisses, via caesarian section.
At malaki ang posibilidad na isang araw, maging miyembro ako ng Power Rangers, dahil minsan na akong lumuhod sa asin at nagdasal sa harap ng kanilang poster, na sana, ako nalang si Red Ranger.
O kahit anong kulay, maliban sa pink at yellow.
Isa na akong buhay na patunay na nagaganap nga ang mga suntok sa buwan.
Gusto ko siyang hawakan.
Gusto ko siyang yakapin.
Gusto kong maubos ang ilang guhit na distansya sa pagitan namin at matunaw.
Matunaw sa bagong tuklas na katotohanang, gusto niya din ako.
YOU ARE READING
Full String To Stop: Episode 01
RomanceThis is not my work :) It's my idol, Jayson who wrote this story :) Sana po mag-enjoy kayo sa kwento ni Julian Rebuelos :)
