Pagod pero masaya.
Yun ang eksaktong deskripsyon sa estado ni Julian ng dumating sa kanilang bahay.
Halatang napasabak sa mahaba-habang byahe pero may saya na tila isang batang nakarinig ng tunog ng paparating na sorbetero.
Pagpasok sa pinto, agad niyang inilapag sa lamesa ang kanyang mga gamit at pinamiling DVD.
Hinubad ang sapatos at agad ding sumalampak sa upuan.
Huminga ng malalim saka muling inunat ang mga labi para maglabas ng isa na namang masayang ngiti.
"Gusto ko nang gumapang papunta sa kama. Pero alam ko, pagkatapos ng mga nangyari, hindi din ako makakatulog. Kahit siguro anong pikit ko, i-stapler man ang aking mga talukap para sumara, mukha niya parin ang pilit gigising sa diwa ko. Kamote, ang dating biro ng damdamin, nauwi sa matinding gulong sa bangin ng pag-ibig. Wala na akong makakapitan. Walang preno na pwedeng tapakan para tumigil. Walang red light. Pusta na lahat. Pati pato at panabla. Andito na ko. Ngayon paba ako titigil? Pero teka, ano bang susunod?".
Ilang minuto din siyang tahimik na nakaupo ng lumabas ang kanyang nanay mula sa kwarto, matapos magtupi ng mga sinampay.
YOU ARE READING
Full String To Stop: Episode 01
RomanceThis is not my work :) It's my idol, Jayson who wrote this story :) Sana po mag-enjoy kayo sa kwento ni Julian Rebuelos :)
