"Sana umatras ang kalsada para tila naglalakad kami paakyat sa isang pababang escalator.
Sa ganoong paraan, hindi matatapos ang tagpo naming ito sa ilalim ng iisang payong.
Parang awa mo na tadhana.
Gagawin ko lahat.
Hindi na ako magpapanggap na tulog tuwing uutusan ni ermats na magpa-refill ng tubig inumin. Sasali na ako sa Earth Hour na yan.
Ishe-share ko na din lahat ng pictures at videos sa Facebook na tungkol daw sa kawang gawa o pagkamit ng hustisya, kahit pa hindi ko ito naiintindihan.
Hindi ko na rin sasamantalahin ang kabaitan ng magtataho sa amin, sa pamamagitan ng pagpapadagdag ng arnibal at sago.
Please lang. Wag mong hayaan matapos ito".
Ilang hakbang pa bago dumating sa tindahan na gaganapan sana ng kanilang epic foodtrip ng dalaga, napansin niyang sarado ito.
Helena: Saan ba yung sinasabi mo?
Julian: (Itinuro) Ayun. Yung kulay orange na tindahan na mukhang higanteng lata ng maling.
Helena: Sarado eh. Malas.
Julian: (Asa mode) Hmmm. Baka sinarado lang ang bintana dahil sa ulan, pero bukas pa.
Helena: May kadenang nakapalupot.
Julian: Hmmm. Baka para hindi tangayin ng hangin.
Helena: At may higanteng padlock sa gitna.
Julian: Hmmm. Baka display lang.
Helena: At may kulay pulang karatula na nagsasabing "closed".
Julian: Hmmm. Baka reverse psychology technique lang ng may ari.
Helena: (Tumawa) Tara na nga.
Julian: Malakas pa ang ulan. Baka gusto mong magpatila muna.
Helena: Saan naman?
Julian: Yun, may 7-11. Dun muna tayo hanggang humina ng konti ang patak. Gutom narin ako.
Helena: Sige.
Julian: Ayaw mo ata eh. Pwede rin namang mag-alay nalang tayo ng isang buhay na manok at gigilitan natin ang leeg nito, dito sa gitna ng kalsada, at hahayaang pumatak ang kanyang dugo sa semento, bilang alay kay Haring Araw.
YOU ARE READING
Full String To Stop: Episode 01
RomanceThis is not my work :) It's my idol, Jayson who wrote this story :) Sana po mag-enjoy kayo sa kwento ni Julian Rebuelos :)
