[P.D] CHAPTER 9: THE PROJECT'S COMPLETION

Magsimula sa umpisa
                                    

"Hahaha! Bagay pala sayo maging yandere bessy." sabi niya at natawa nalang ako.

"Nakaka-miss lang nung mga bata pa tayo, ang hilig mong gawin 'yan sakin. Ang takutin ako, haha!" sabi niya. Well yung kanina, it was just an act. Yung sa 'yandere' thingy at sinakyan niya naman haha!

"Oo nga Wish. Nakaka-miss." sagot ko naman habang tinutuloy na ang pagguhit ko.

"Pero seriously speaking, kinilig ako sa inyo kanina ni Kiro." sabi niya bigla na naging dahilan nanaman ng pag-ngiti ko.

"Oh pa'no, kailangan ko ng umuwi. See ya!" sabi niya at lumabas na siya. Buti naman at hindi na nang-asar.

"Magpahinga ah!" rinig kong sigaw niya. Napa-iling nalang ako habang nakangiti. Kilala niya kasi akong subsob lagi pagnagta-trabaho eh haha!

Nag-focus na ako sa ginagawa ko at hindi na muna nagpa-distract sa kahit ano mang bagay.


*****


(Three months later...)


Nandito parin ako sa loob ng kotse ko habang nakatingin sa building ng Wallhaven Inc. Kasama ko si Wish na nasa passenger seat. Nagpasama ako sa kanya para magpatulong sa pagbubuhat.

Nilingon ko ang mga bagay na nasa likod ko. Nandoon na ang lahat ng ginawa ko. Naka-rolyo ang mga finished drawings at mga scale models na pinagawa sa'kin . Natapos ko lahat ng ito within three months with the help of my friends also. Ngayon ang deadline para ipasa ko ang mga gawa ko.

Kinakabahan ako pero kailangan kong lakasan ang loob ko. Kailangan kong maging positive. Kailangan kong isipin na magugustuhan nila ang mga ito.

"Magtiwala ka lang Ashe. I'm sure approve 'yan lahat." nakangiting sabi sakin ni Wish.

"Sana nga." sagot ko at lumabas na ng sasakyan. Kinuha ko na ang mga ginawa ko sa likod ng kotse. Agad namang may lumapit sa aming mga security guards para tulungan kami sa pagbubuhat. Maraming nag-assist sa amin dahil sa dami ng ginawa ko.

Pagkarating namin sa 39th floor, sa Programme Room, may isang lalake na pumigil sa'kin na pumasok sa loob.

"Hanggang dito nalang po kayo Architect Garcia. Kami na po ang bahalang magpasok niyan sa loob." sabi niya sa'kin at agad naman akong tumango. Hindi na ako nagtaka kasi naiintindihan ko naman. Baka hindi allowed na pumasok ang mga non-employees. Napahawak ako sa noo ko at pinunasan ko ang pawis ko.

"Sa wakas, tapos narin!" masayang sambit ko at nakipag-apir ako kay Wish. Maya-maya lang, may lumapit na isang babae sa akin. Mas matangkad siya ng konti sa'kin, shoulder length ang buhok na may side bangs at nakasalamin. Nakapang-office suit din siya.

"Hello Architect Garcia. I'm Khalia Salazar, secretary of Mr. Ward Caleb Wallhaven. He wants to see you now. May we proceed to his office?" sabi niya agad agad naman akong sumunod.

"Sige bessy, hintayin nalang kita sa lobby. Congrats uli!" sabi niya at sumakay na siya sa elevator.


*****


"Well done Architect Garcia. Well done." bungad ni Mr. Wallhaven sa akin pagkapasok na pagkapasok ko palang sa office nila.

"Thank you, Sir." sagot ko naman sa kanya. May kinuha siyang papel sa drawer niya at sinulatan iyon.

"Here's your payment. You exceeded my expectations at, napasa mo pa ang mga iyon just in time. Good job! Hindi ako nagkamali ng pagpili sayo." sabi niya at inabot niya sakin ang cheque. Hindi ko na sasabihin sa inyo kung magkano ang amount basta eto lang ang masasabi ko. Malaking halaga siya!

"Thank you very much Sir for giving me this wonderful oppurtunity." sabi ko sa kanya. Lubus-lubusan ang gratitude ko sa company na ito. Magandang start 'to para sa career ko!

"No worries." sagot niya naman.

"So..." sabi niya kasabay ng paghinga niya ng malalim. "Your job here is done. See you on your next project. If ever na may ipapagawa pa kami and I'm sure, dahil sa potential mo? Hindi malabong may kasunod pa ito." sabi niya sabay ngiti sa'kin. Nginitian ko siya ng malaki at nagpa-alam na rin ako sa kanya. Sinalubong ko si Zeth sa lobby.

"Hmm... nangangamoy blow out ah! Haha ang bango!" sabi sa'kin ni Zeth.

"Of course bestfriend. Contact-in mo na ang buong tropa." sabi ko naman sa kanya.

"Aye aye captain." nakangiting sagot niya.

Celebration na 'to! Nakaka-excite!

PHANTASIA DOMINUM: Rise Of The Forgotten WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon