☇ 54

1.1K 45 38
                                    

"Waaah! Ice creeeeeam!" Tuwang tuwa na sabi ni Wonwoo na inilapag sa harapan niya ang order nila.

"Dami namang pagkain neto, Junhui. May cake na tapos ang dami pang ice cream." Masayang sabi ni Wonwoo habang nagtutwinkle ang mata nito sa harapan niya.

"Alam ko namang favorite mo ang ice cream kaya dito kita dinala sa Baskin Robbins, kaya dito na kita dadalhin kapag magkasama tayo." Sabi ni Junhui habang nakangiting nakatingin kay Wonwoo.

Agad namang kinain ni Wonwoo ang isang ice cream sabay umungol sa sobrang sarap. "Grabe ang sarap!"

Napatawa nalang ng mahina si Junhui saka hindi binigyan ng pansin ang mga ungol ni Wonwoo dahil sa sobrang sarap ng pagkain.

Nang maubos na ni Wonwoo ang isang cream, sinunod niya ang ice cream na nasa harapan niya kaya napaungol nanaman siya sa sarap.

Napailing nalang si Junhui saka kinain rin ang inorder niyang ice cream.

***

"Thank you, Junhui ah. Sobrang nabusog ako." Sabi ni Wonwoo sabay hawak sa tyan niya. "Grabe, parang puputok yung tyan ko sa sobrang dami mong inorder."

"Okay lang yan atleast hindi nasayang yung panlilibre ko sayo, sabi ko naman kasi sayo kapag hindi mo naubos magagalit ako sayo." Sabi ni Junhui sabay ginulo ang buhok ni Wonwoo.

"Yah! Buti nga inubos ko eh, ang mahal mahal kaya doon tapos doon mo pa ko nilibre." Sabi ni Wonwoo sabay pout.

"Worth it naman kasi inubos mo lahat kaya good boy ka." Sabay ngumiti kay Wonwoo kaya naman ngumiti din pabalik si Wonwoo sa kanya.

"Cute ka pala kapag ngumiti." Sabi ni Wonwoo kaya biglang nanlaki ang mata ni Junhui saka iniwas ang tingin kay Wonwoo.

"H-ha? P-paano mo nasabi?" Sabi ni Junhui habang nakatingin sa harap niya.

"Wala, cute ka kapag ngumiti o di kaya kapag tumawa kasi tumawa ka kanina." Sagot ni Wonwoo. Hindi naman nakasagot si Junhui kaya naman tumingin si Wonwoo sa namumulang mukha ni Junhui.

"Oy! Kinikilig ka ba? Bakit namumula yang mukha mo?" Nagulat na nakangiting sabi ni Wonwoo kaya naman tumawa siya. "Kinikilig si Wen Junhuiiiiiii~"

"W-wag ka nga, Wonwoo." Sabi ni Junhui.

"Hala? Pabebe ang kuya mo." Asar na sabi ni Wonwoo kaya tumawa ulit siya kaya naman napatawa nalang din si Junhui.

Kaya naman habang naglalakad sila ay patuloy ang pang aasar ni Wonwoo kay Junhui.

Nang malapit na sila na sa bahay ni Wonwoo, bigla namang nagsalita si Junhui. "Wonwoo."

Kaya naman napatigil sila sa paglalakad at napatingin naman sa kanya si Wonwoo, "Hmm?"

"U-uhm..." Sabi ni Junhui sabay kamot sa batok niya. "Tungkol sa panliligaw ko."

"Oh?" Sabi ni Wonwoo.

"Totoo yung panliligaw ko, Wonwoo." Seryosong sabi ni Junhui habang nakatingin sa mga mata ni Wonwoo.

"Alam kong hindi mo agad ako paniniwalaan, pero willing akong maghintay na sagutin mo ako. Seryoso ako sayo, Wonwoo." Sabi pa niya sabay hinawakan ang kamay ni Wonwoo sabay hinalikan ang knuckles nito.

Namula si Wonwoo sa ginawa ni Junhui at mas lalong nagulat sa sinabi nito.

"I like you, Wonwoo."

• • •

? ? ? wonhui ? ? ?

Tayo ⚣ meanieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon