☇ 45

1.1K 53 37
                                    

Friend Request

Wen Junhui
5 mutual friends
ACCEPT | DECLINE

• • •

"Wag mo na kong i-add, pwede mo naman akong i-message kahit hindi tayo friends." Sabi ni Minghao habang nakatingin sa cellphone.

"A-ah s-sorry." Sabi nalang ni Junhui sabay kinancel ang friend request niya kay Minghao.

"S-sigurado ka bang ayaw mong mag usap tayo ng personal?" Tanong ni Junhui rito, dahil pumayag si Minghao na mag usap sila basta sa chat at hindi sa personal.

"Oo." Maikling sagot ni Minghao. "Bilisan mo kasi gabi na, magsasaing pa ko."

• • •

7:13 pm

Wen Junhui
Messenger

Wen: Minghao.

Ming: simulan mo na magchat

Ming: ano bang sasabihin mo?

Wen: Tungkol sa atin

Ming: anong sa atin?

Ming: meron ba?

Wen: Minghao please.

Ming: anong please?

Ming: wala naman akong ginagawa

Wen: Alam kong galit ka pa rin sakin dahil sa nangyari dati

Wen Junhui is typing...

Ming: oo galit pa rin ako sayo

Ming: galit na galit

Ming: hindi mo ba nakikita?

Wen: Kaya nga ngayon gusto kong bumawi.

Ming: bumawi? nagjojoke ka?

Ming: wag mo na akong lokohin ulit

Wen: Totoo 'tong sinasabi ko, Minghao. Hindi akong nagloloko o nagloko.

Ming: o talaga tol?

Ming: ginagago mo ba ko

Ming: anong tawag doon sa panggagago sakin noon hindi ba panloloko rin tawag nun?

Ming: aral ka ulit sa elementarya tol

Ming: malala ka na

Wen: Sinabi ko sayo na hindi ako nanggago sayo noon, bakit ba ayaw mong maniwala sakin? Hindi ko ginawa yun bakit naniniwala ka pa rin na ginawa ko yun?

Ming: kitang kita ko junhui wag mo nga kong ginagawang tanga

Ming: ito ba gusto mong pag usapan natin?

Ming: kasi kung ito lang pag uusapan natin kalimutan mo na

Ming: uuwi na ko

Wen: MING WAIT PLEASE

Wen: Manliligaw ulit ako sayo.

Wen: Papatunayan kong seryoso na ko ngayon dahil ngayon pa lang seryosong seryoso na kong nakikipag usap sayo.

Ming: alam mo junhui

Ming: unang sabi mo palang na manliligaw ka ulit ngayon

Ming: doon pa lang ginagago mo na ko

Ming: pwede ba tama na

Ming: pakyu kang pakboi ka e

Ming Hao blocked you

• • •

"M-minghao!" Tawag ni Junhui nang tumakbo na papalayo si Minghao sa kanya. "Fuck!"

Tayo ⚣ meanieМесто, где живут истории. Откройте их для себя