☇ 42

1.1K 53 20
                                    

"Junhui!" Tawag ni Seungcheol nang makita si Junhui na nakatingin kay Wonwoo habang kumakain ngayon sa canteen.

Napalingon naman agad ito, "Oh bakit?"

Bigla naman siyang inakbayan at umupo sa tabi niya, "Musta?"

"Anong musta dyan? Kakakita lang natin kanina. Baliw." Sabi ni Junhui sabay inirapan ito sabay binalik ang tingin kay Wonwoo.

"Musta kako lovelife mo?" Tanong ni Seungcheol. Hindi nakasagot si Junhui kaya naman sinundan ni Seungcheol ang tingin niya.

"Ah..." Sabi ni Seungcheol. "Si Wonwoo pala ang target ng pogi kong kaibigan." Sabay tumawa ito.

"Manahimik ka nga dyan. Pareho kayo ni Soonyoung, ang ingay." Reklamo ni Junhui saka pilit inaalis ang braso nito sa balikat niya.

Tumawa si Seungcheol pero agad naman itong sumeryoso. "Pero brad, seryoso ka ba dyan sa ginagawa mo?"

"Alin?" Tanong ni Junhui na hindi man lang tinitignan si Seungcheol.

"Dyan sa panliligaw mo kay Wonwoo." Sabi ni Seungcheol.

Bigla namang iniwas ni Junhui ang tingin niya kay Wonwoo. "O-oo naman pero hindi pa naman siya pumapayag."

Napa-'tsk' naman si Seungcheol. "Pero... paano kung malaman 'to ni ano?"

"E-ewan ko." Utal na sagot ni Junhui. "Tsaka imposibleng malaman niya 'to. Wala na nga siyang pake sakin."

"Malay mo meron." Sabi ni Seungcheol sabay may tinuro siya gamit ang nguso niya. "Ayun oh. Nakatingin sayo."

Hinahanap naman ng mga mata ni Junhui ang tinuro ni Seungcheol at nagulat siyang nakatingin sa kanya ito.

"Diba?" Sabi ni Seungcheol sabay ginulo ang buhok ni Junhui. "Bahala ka na dyan, mauna na ko kikitain ko pa si Soonyoung."

Nang umalis na si Seungcheol, bigla nalang iniwas ni Junhui ang tingin niya at binaling kay Wonwoo na ngayon ay tumatawa habang kakwentuhan si Seokmin.

Tayo ⚣ meanieWhere stories live. Discover now